Chapter 24

84 5 0
                                    

Say You Love Me Too

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakasandal sa dibdib ni Kaicefer. Masyado yata akong naging komportable sa tabi niya kaya hindi ko na napansin ang paligid.

Kinabukasan ay nagising ako sa maingay na pag-bati ni Mio at Paloma sa akin.

"Happy Birthday, Juliet!" masigla nilang bati.

Dahan-dahan kong binukas ang aking mga mata. Hindi ko pa iyon tuluyang mamulat dahil nakakasilaw ang liwanag na bumungad sa akin. Nagtatakha ako habang nakatingin sa kanila.

"Paano niyo nalaman na birthday ko?"

Hindi ko pa naman kasi nasasabi sa kanilang natatandaan ko na ang lahat tungkol sa akin. Wala rin naman silang alam na detalye tungkol sa akin maliban sa mga kinwento ko. Pero totoong ngayon nga ang kaarawan ko. This was supposed to be my 24th birthday kung hindi lang sana ako namatay.

"Sinabi sa amin ni Kaicefer. Hindi nga rin namin alam kung paano niya nalaman 'e," nagtatakha nilang tugon.

Huh? Paano nalaman ni Kaicefer 'yon?

Napalingon ako sa aking likod nang mapansing wala na pala siya sa likod ko. Napatayo ako.

"Nakita niyo si Kaicefer?"

Kumunot ang noo nila.

"Hindi ba kayo magkasama? Nakatulog din kami 'e." Napapakamot ulo kong sagot ni Mio.

Binisita ako bigla ng kaba. Saan naman nagpunta 'yon? Mabilis kong iniwan sila Paloma at Mio para hanapin si Kaicefer. Gusto ko sanang gamitin ang teleportation skills ko kaso hindi iyon gumagana kapag sa kapwa multo ko ito gagamitin.

Takbo, lakad, takbo, lakad na ang ginagawa ko dahil nag-aalala ako kay Kaicefer. Konting oras na nga lang ang mayroon kami, ngayon pa siya mawawala. Halos maiyak na ako dahil mag-da-dalawang oras na akong naghahanap, pero 'di ko pa rin siya nagtatagpuan. Lagot talaga siya sa'kin kapag nakita ko siya!

Pumunta na ako sa condo niya at sa hell house, pero ni anino niya ay hindi ko nakita roon. Pagod na pagod na ako sa paghahanap hanggang sa mapadpad ako sa dating ilog na tinambayan namin ni Kaicefer. Ito ang pinuntahan ko nang minsang iwanan ko siya sa hell house. Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Nakatalikod siya ngunit alam na alam ko na ang tindig niya. Halos tumalon ang puso ko sa galak nang matagpuan ko na si Kaicefer.

Tumapak ako sa damuhan para malapitan siya. Unlike before, mas madami ng tao ngayon dito. May nagpi-picnic at 'yung iba naman ay tumatanaw lang din tulad sa amin. Tumayo ako sa tabi ni Kaicefer.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," bulalas ko.

Naramdaman kong tumingin sa akin si Kaicefer. Bumaling din ako sa kaniya at ngumuso.

"Bakit hindi ka man lang nagpapaalam? Nag-alala kaya ako sa'yo," sabi ko pa.

Ngumiti siya ng tipid. "Gusto ko lang muna mapag-isa," aniya.

May lungkot na namumutawi sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko iyong malaman.

"Bakit naman?"

"May naalala lang ako..."

Hindi ko napigilan ang sariling titigan siya. Hinintay ko ang sumunod niyang sasabihin.

"A-anong naaalala mo?"

"Ikaw... Si mama... 'Yung aksidente..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nakakaalala na siya? Kaya ba niya ako iniwan kanina?

Juliet's Last Wish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon