SL - 3

359 20 7
                                    

"Hindi ko maiwasang ikumpara ang buhay ko sa tuyong dahon na iyon. Mabuti pa siya, malaya... samantalang ako..."


She Leaves - 3

6 YEARS BEFORE THE ENGAGEMENT.



Huling taon sa high school. Busy year. Halos kalimutan ko nang lumandi pero naisisingit ko pa naman sa schedule.

After Justine, I have five other flings in between Grade eleven and twelve years. Pero sa ngayon, wala muna, pass muna, focus muna sa mga requirements sa school.

Halos mapigtas ang bra ko kakabitbit nitong printer. Kailangan kasi naming magdala ng sariling printer para sa group project namin para madali na lang i-print ang mga kailangang i-print.

"Hoooh..."

Inilapag ko ang printer sa may bleachers ng gym. Dito kami tumatambay malapit sa outlet para madaling isaksak ang printer at laptop na dala namin.

"Gawa ba sa bakal 'tong printer mo, Theresa? Ba't ang bigat?" reklamo ko habang pinapahiran ng panyo ang pawis sa noo ko.

"Ang gaan kaya nito, MJ. Ang sabihin mo, masiyadong mapayat 'yang mga braso mo. Kumain ka kasi ng marami," sagot naman ni Theresa.

"This is what you call a sexy body, Ther, sexy," panggo-good time ko sa kaniya.

"Woy, tama na 'yan. Mag-print na tayo nang matapos tayo nang maaga," singit ni RV sa aming dalawa ni Theresa.

Sinimulan na nga namin ang mga requirements na kailangang tapusin.

Wala ni-isa sa mga kaibigan ko ang naging ka-grupo ko sa project na ito. Wala naman akong reklamo sa mga kasamahan ko ngayon, goods naman kami, pero alam n'yo naman siguro ang feeling na sana meron kang kaibigan sa groupmates mo. Para mas madali ang buhay, 'yung kaibigan mo na lang ang gagawa sa lahat.

Isang madugong maghapon ang iginugol namin sa project na ito. Bukas na kasi ang deadline kaya paspasan na ang pagtatapos namin ngayon at para na rin makapag-aral kami mamaya sa mga bahay namin kasi exam week din namin ngayon.

Mabuti na nga lang at natapos na namin ang lahat bago pa man kami pagsarhan ng school.

~

Kinabukasan, matiwasay naming na-ipasa ang hard copy ng aming group project. Nagsisilbi rin itong final examination namin sa isang subject namin.

Matapos makapagpasa, umupo kami sa isang sementong bench malapit sa canteen habang hinihintay ang iba pa naming kaklase na hindi pa nakakapasa sa project nila. Hindi rin kasi kami makakapag-exam sa next subject namin kung hindi kami kumpleto atsaka maaga pa naman kaya keri pa naming maghintay. Kasama ko ngayon ang groupmates ko na sina RV, Theresa, Karl, at Sherilyn.

Humikab ako habang tinitingnan ang isang tuyong dahon na nagpapaanod sa halinghing ng hangin. Malaya itong nagpapatianod sa bugso ng buhay, sa bugso ng hangin. Walang pakialam kung saan man siya dalhin ng pagkakataon. Lagas na dahon na siya. Para sa iba, wala na siyang silbi kasi patay na, tuyo na, kailangan nang itapon sa basurahan o 'di kaya'y kailangan nang sunugin. Pero para sa akin, habang nakatitig ako sa dahong iyon, napagtanto kong mas malaya pa ang buhay niya kesa sa kinabukasan ko.

Malaya siyang makakapunta sa kahit saang sulok ng lugar na ito dahil hindi na siya nakatali sa punong dating nagbibigay sa kaniya ng buhay. Binigyan nga siya ng puno ng buhay, hindi naman siya naging masaya. Sa tuwing hahangin, nagiging limitado ang kaniyang indayog. Pero ngayong malaya na siya, kahit saan, puwede na siyang pumunta.

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon