SL - 37

210 10 3
                                    

"Sila lang, sapat na."


She Leaves - 37

(THE PREGNANCY)


I have two surprises for y'all:

One, after months of staying in Toronto in peace, and also with the big help of my bestfriend, Nicole and company, naitaguyod ko ang aking pagbubuntis at ang pag-aaral ng Masters in Engineering nang sabay, at nalaman ko rin agad ang gender ng aking magiging anak. Hindi lang isang blessing ang dadating sa buhay ko, kundi dalawa. Oo po, dalawang blessing ang dadating sa akin. I'm having twins. Fraternal twins, one boy and one girl.

Lord, hindi mo naman sinabi, kung ganito lang din pala ang matatanggap ko matapos ang sakit na naramdaman ko sa nakaraan, hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang lahat ng sakit. Ang gandang blessing nito, Lord, sobra!

Second, remember the gay friend I had when I was still in a vacation mode in Africa? That gay named Genil? I saw him again here in Toronto at hindi basta-bastang pagkakita lang, kundi siya ang pinsan ni Nicole na kasama niya sa apartment niya. Oo, grabeng twist 'to, ito na yata ang pinaka-shocking sa lahat bukod sa pagbubuntis ko.

Nakita ko agad si Genil ilang oras nang makarating ako sa Toronto, after no'ng pag-uusap naming iyon ni Nicole mismo, ay umuwi si Genil sa apartment straight from his duty at doon na nagkaalaman ang lahat. Kuwento roon, kuwentoo rito ang naganap sa unang araw na pananatili ko sa Toronto.

Masayang-masaya ako, sa totoo lang, pero hindi talaga maiiwasan ang pangamba sa nakaabang na responsibilidad. Dalawang nilalang ang ilalabas ko. Kakayanin ko kaya?

Nagdaan ulit ang mga araw na mas lalo kong hinanda ang sarili sa nakaabang na responsibilidad. Araw-araw kong kinakausap ang kambal. Naging routine na ang buhay ko rito sa Toronto. Gigising nang maaga, yoga exercise, prepare for school, papasok sa school, uuwi, at mananatili sa apartment. Apartment-School lang ang destinasyon ko at kung minsan naman ay kapag day-off ni Nicole or Genil, makakapunta ako sa ibang lugar. Ganoon lang, walang kakulay-kulay. Ang pag-aaral ko na nga lang ng masters ang nagbibigay sa akin nang pagkakaabalahan, e.

Hanggang isang araw, pag-uwi ko sa apartment, tumumbad sa akin ang isang surpresang hindi ko alam kong ikatutuwa ko o ikagagalit ko.

"B-Bunso..." Pareho kaming nagulat sa presensiya ng isa't-isa. Gulat na gulat.

Anong ginagawa ni Ate Tonette dito?

Biglang lumapit si Nicole sa akin kaya sa kaniya ko natoon ang atensiyon ko.

"N-Nic? Ano 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya sabay muwestra sa may banda ni Ate pero imbes na sagutin ako, isang mainit at mahigpit na yakap ang naramdaman ko mula kay Ate.

"B-Bunso, miss na miss na kita," aniya na nanginginig ang boses. Agad nanggilid ang mga luha ko hanggang sa tuluyan itong bumagsak. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko agad nasuklian ang yakap ni Ate hanggang sa kumalas na siya at haplusin ang aking mukha.

"A-Ate..."

"Ssshhh, nandito na si Ate, tutulungan ka ni Ate," aniya.

Ibinaling ko ang tingin kay Nicole, nanghihingi ng explanation.

"Don't blame Nicole. I was in the area for a conference when I contacted her. I knew she's here and I can't stop by without saying hi to her. After all, kaibigan na rin siya ng pamilya natin," panimulang sabi niya. "At first, I really thought nasa Dubai ka talaga, then we talked about you. Aksidente lang niyang nasabi na nandito ka. Pinilit ko siya kaya walang siyang nagawa kundi sabihin ang tungkol sa 'yo."

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon