"Punyemas ka, Lizares! Wala ka nang nasabing tama!"
She Leaves - 8
(5 MONTHS BEFORE THE ENGAGEMENT)
Kumukuti-kutitap. Bumubusi-busilak. Kikindat-kindat. Kukurap-kurap.
Ganiyan ang indak ng mga bombilya na animo'y pinaglalaruan ang ating mga mata.
Funny how these little lights makes me stare at the at the moment. Funny how this big christmas tree that displayed at the condo building's lobby entertained for the mean time.
Isang buwan na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon, parang noong isang linggo lang, nagha-halloween party pa kami ng mga pinsan ko, binista pa namin ang mga mahal namin na pumunaw na, tapos ngayon... lumalamig na ang simoy ng hangin, nagsisilabasan na ang mga palamuting pang pasko, naririnig ko na ang boses ni Jose Marie Chan, Mariah Carey, at ang station ID ng Abs-Cbn at iba pa.
Sabagay, noong September pa lang nagsimula ang mga ganito, ngayon ko lang talaga nabigyan ng pansin.
"Ma'am MJ, nandiyan na po ang sundo n'yo."
Natigil ang pagtingin ko sa christmas tree nang lapitan ako ng security guard na nagbabantay sa malaking pintuan ng building.
Tumayo ako, ngumiti sa kaniya, at naglakad palabas.
Pero hindi pa lang ako nakakababa ng hagdan ay nagtaka na ako.
"Nasaan na po si manong Bong, manong?" Tumabi ako sa post ng sekyu at iginala ang tingin sa paligid dahil hindi ko naman nakikita ang kotse na regular na sumusundo sa akin tuwing uuwi ako ng ciudad.
"'Yan po ang sundo n'yo, Ma'am," sabay turo ni manong sekyu sa isang pick-up na nasa harapan mismo namin. Isang upgraded Isuzu D-Max na kulay blue.
"Hindi naman 'yan 'yong kotse namin, manong, e?" Napakamot pa ako sa may noo ko dahil hindi ito ang kotse ko. Ford Explorer 'yon.
Nanatili akong nakatayo sa tabi ni manong. Nagmamatigas kasi hindi naman talaga 'yon ang sundo ko, baka nagkamali lang ang sekyu.
Bago pa man sumagot ang sekyu, narinig kong may parang nagsara ng pinto ng kotse na nasa tapat namin.
What the shit?
Halos malunok ko ang sarili kong laway nang makilala ang isang pamilyar na mukha sa harapan ko.
Standing right in front of me, wearing a mint green button down shirt folded up to his forearms with two open buttons, a khaki pants, a sperry shoes, his long hair is formed into man bun , freshly shaved face, with matching specs is the shining shimmering youngest of the Lizares brothers.
Anong ginagawa niya rito?
"Get in." Baritonong boses na naman niya ang sumalubong sa akin sabay bukas sa pinto ng front seat.
Dahil sa gulat, nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa pintuang bukas.
Maka-ilang beses din akong nagpakurap-kurap ng mata na para akong isang christmas lights. Dahil 'yon sa pagkagulat.
Bakit siya nandito?
"Bakit?"
Ang dami kong tanong pero 'yon lang ang tanging nailabas ng bibig ko.
"I'll drive you home, Tita Blake asked me to."
"What? Where's manong Bong?" I stand firm, not moving an inch.
BINABASA MO ANG
She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)
Aktuelle LiteraturMJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?