SL - 19

231 16 8
                                    

"If that's what she wants."


She Leaves - 19

(THE WEDDING)


Isang matinding singhap ang ginawa ko at umiling. Pinagmasdan ko ang ring sa kamay ko at bahagya itong hinawakan.

I once imagined myself na magiging kalmado ako sa araw ng kasal ko, na iisipin kong wala lang sa akin kung ikakasal ako sa taong hindi ko naman gusto. Lagi kong iniisip kung ano ba dapat ang gagawin 'pag ipakakasal na sa lalaking pinili ng mga magulang mo. Ang pinakamabuting gawin siguro ay huwag isipin at isawalang-bahala na lamang, tratuhing hindi importante.

Ngayon, dalawang araw na lang bago ang kasal pero maya't-maya ang singhap ko. Patuloy na inaalala ang mga salita ni Serg.

Ilang araw na ang nakalipas, marami na kaming ginawang magkasama, pero ang mga salita ni Serg ay nanatili pa rin sa utak ko at laging bumabagabag sa akin.

May gusto sa akin si Darry noong nasa high school pa lang ako.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa gagong si Serg. Gago nga 'yon, e, katulad ni Steve, kaya ang hirap paniwalaan. Ayoko namang magtanong sa pinsan kong isa pang gago, baka isiping iniisip ko si Darry na hindi naman.

Well, slight lang.

Napasinghap ulit ako. Ano ba itong iniisip ko? Ano ba itong pumapasok sa isipan ko?

Matapos ang Sabadong iyon, nasundan pa ang pagkikita namin ni Darry. Inutusan din ako nina Mama na ipakita kay Darry ang planta namin sa Don Salvador kaya ginawa ko naman, Lunes no'n. Mabait na anak ako, e. Buong araw kaming nanatili roon sa planta. Noong Martes naman, sumama kami sa political campaign ni Konsehal Einny Lizares sa isang barangay sa ciudad namin. Si Ate Kiara ang nag-aya sa amin noon kaya buong araw ko na naman siyang kasama. Gusto ko nga sanang magtanong kung wala ba siyang trabaho at bakit hindi na siya pumapasok? May rason naman ako kasi nga dakilang tambay pa ako ngayon. E, siya? CEO siya, punyemas!

Kahapon, Miyerkules, pinuntahan namin ang mga lupain ni Tito Perl at Tito Arm. Kasama na naman si Darry kasi nga maalam din naman siya sa mga tubo at sa kung anu-anong kinalaman sa tubo. Ewan ko ba, noong nasa bahay nga kami ni Tito Perl, iyon lang ang pinag-usapan nila kasama si Tito Arm at ng mga Tita ko. Out of place ako noon kaya nakipaglaro na lang ako sa mga batang nandoon.

Ngayon naman ay Huwebes, dalawang araw bago ang kasal sa Sabado, naka-tunganga ako sa veranda ng ikatlong palapag ng bahay, tinatanaw ang ngayo'y wala ng pananim na mga tubong lupain sa paligid. Tinanaw ko na rin ang Mount Lunay at tumagal ang titig ko sa malaking cross na nasa tuktok nito habang minamasahe ang singsing.

Wala akong lalakarin ngayon kasi umalis na si Darry papuntang Manila. Ako, bukas naman aalis. At oo, sa Manila kami ikakasal. Hindi natuloy sa America dahil ayaw ni Darry. Aba ewan. Sumusunod lang naman ako sa kanila.

I sighed. Ikakasal na ako at hindi dapat ako puwedeng malungkot dahil puwede na kaming maghiwalay 'pag nakatayo na ang kompanya nila at kung matatag na ang samahan ng dalawang pamilya without the help of our marriage. Oo! Tama! Puwedeng-puwede kaming maghiwalay. Ang sabi nila, kahit imposible, gagawin nila ang lahat kapag ayaw na ng isa sa amin. Pero sino kaya ang aayaw? I bet they think it's me who will give up first. But how could I? What will be the reason? I can see no reason at all.

Gusto sanang mag-throw ng bridal shower ang mga kaibigan ko, kaso hindi ako pumayag dahil hindi na dapat. There's no need, this wedding is not serious and it's for the company... not for what they call love. Partnership lang ito, merging, amalgamate, name it! But no feelings involve!

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon