SL - 2

459 21 6
                                    

"The Lizares are untouchables."


She Leaves - 2

8 Years Before The Engagement


Matapos ang isang pang malakasang sigaw at reaksiyon ni Ate kanina nang makita ang kausap ni Kuya, tumahimik na siya kaya nakapag-agahan kami. Mabuti na lang at huling pumasok si Mama at Papa kasama ang iba pang kapatid no'ng si Decart Lizares kaya hindi narinig ang OA na sigaw ni Ate sa kaniya.

Nasa kabisera ng lamesa si Papa. Si Mama naman ang nasa right side niya. Sa left side si Kuya Yosef. Ang katabi naman ni Kuya Yosef ay si Ate Tonette tapos ako. Ang nasa tapat ni Ate na mismong katabi ni Mama ay ang isa sa mga Lizares na si Tonton Lizares at ang katabi naman niya na kaharap ko mismo ay si Sonny Lizares, ang nasa kabilang kabisera na mismong tapat ni Papa ay si Decart Lizares.

Tahimik ang bawat pagsubo ko. Ang tanging maingay lang sa aming lamesa ay sina Mama, Papa, at si Decart Lizares.

Nairaos namin ang agahan na iyon kahit na nakabusangot si Ate. Kaya no'ng nasa kuwarto na kaming dalawa para makapaghanda sa pag-alis ko sa Jomax Peak ay natanong ko siya.

"Ate, galit ka ba kay Decart Lizares?"

Natigil sa pagdadabog si Ate at masama akong tiningnan.

"Ugh! I really hate that man!"

Pero panandalian lang pala ang pagtigil ng kaniyang pagdadabog dahil nagpatuloy siya habang naglalagay ng lotion sa katawan.

"Bakit ba kasi?"

"Siya lang naman ang ipagkakasundo sa akin ng mga Lizares."

Arrange marriage. Marriage by name. Marriage for convenience. Whatever you call that. Osmeñas are very fond of that. Well, actually, the first generations of the Osmeña clan are very fond of that arrangement.

Halos lahat sila Papa at ang kaniyang mga kapatid ay biktima ng arrange marriage. They need to do that to keep the family business intact with the right people. The people who can make the business boom and prosper.

Ngayon, hinahanda na kami ng mga magulang namin para sa mga ganito. Si Kuya Yosef ang panganay na anak at apo at siya rin ang unang sasabak sa ganitong klaseng situwasiyon. He's bound to marry the daughter of a prominent business tycoon in Asia na matagal ng target ng mga Osmeña na maging business partner.

But here's a thing my parents didn't know. May balak i-boycott ni Kuya ang kasal na iyon. He loves someone else and he's going to seriously do that plan.

Now, my Ate is also going to do that too and I think, this time, ang mga Lizares naman ang target ng business namin. Base on her reaction, I have a gut feeling na susundin niya kung anong gagawin ni Kuya Yosef sa future.

I don't know much about the Lizares. Ang alam ko lang ay family friend namin sila pero minsan ko lang silang makita sa mga gatherings ng family friends namin. They are so very mailap sa alta sociedad na kinalakihan namin.

At ako? Siguradong-sigurado akong i-aarrange din ako sa kung sinong lalaking makakatulong sa kompany namin and I'm very much ready for that to happen. So bago mangyari 'yon, I need to enjoy every putaheng nakahain sa buong mundo.

Napatitig ako sa napakaaliwalas at napaka-green na bulubundukin sa harapan ko. Nandito na ako ngayon sa Jomax Peak at in-enjoy ang tanawin habang nag-aaral. Minsan, napapatigil ako para e-appreciate ang tanawin at langhapin ang sariwang hangin. Taliwas sa nalalanghap ko kapag nasa ciudad na.

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon