She Leaves - 45
FINAL CHAPTER FOR MJ OSMEÑA
(THE END)
"Magandang umaga, Engineer!"
Umagang-umaga, fresh from the farm and fresh from the morning dew, nakangiting mukha ang bumungad sa akin sa site. At dahil maganda rin ang araw ko ngayon, nginitian ko rin sila.
"Magandang umaga rin po, manong," sagot ko sa unang bumati na worker ng site. "Magandang umaga sa inyong lahat," at inisa-isa ko na ang iba pang trabahante.
"Ang ganda yata ng gising niyo, Engineer," puna naman ng head foreman ng site. Hindi na ako sumagot pa pero kinindatan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa opisina para simulan na ang aking trabaho.
"Aba, ang ganda yata ng ngiti mo ngayon, Engineer Osmeña." Pagka-pasok ko pa lang sa opisina ay agad na akong sinalubong na naman ng pagbati at pagpuna ni Elra.
"It's Monday morning and I'm spreading good vibes by sharing my smile to every one! Go back to work and be inspired," sabi ko pa habang naglalakad na papunta sa table ko. Nagtawanan sila sa sinabi ko pero agad din namang sinunod ang aking sinabi.
Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa na umagang-umaga, e, may sumundo sa 'yo at naghatid pa sa trabaho. Nakaka-inspire kaya 'yon kahit na pa-demure pa ako kanina. Ano ba.
Naabutan ko si Engr. Meeton na naka-upo na naman sa edge ng aking table. Tumigil ako sa tapat niya at pinag-ekis ko ang aking kamay habang nakatingin sa kaniya na nakangisi sa akin ngayon.
"You're glowing, did something happened over the weekend?"
"I am glowing every day, Engineer Meeton," sagot ko naman at nagpatuloy na sa pagpunta sa aking table. Sinundan niya ako ng tingin at humarap na sa akin.
"Kumusta na si Kaven? Ano ba ang nangyari sa kaniya no'ng Friday? Muntik na rin akong mapasugod sa hospital, ha." Inaayos ko ang mga files sa table ko nang magpatuloy si Engr. Meeton.
"Nadapa lang, nagka-sugat sa tuhod at siko pero okay na raw siya, strong daw kasi," sabi ko naman.
Tumawa si Engr. Meeton.
"As expected with Kaven Zarel Constance."
"Go back to work, Engineer Meeton," sabi ko naman sa kaniya.
"Site inspection, let's go." Napa-irap ako sa sinabi niya at kinuha na nga ang high vis vest at ang white hard hat ko para isuot na.
Sabay kaming lumabas ni Engr. Meeton at ginawa na ang mga dapat gawin sa site na pagmo-monitor. May mga napag-uusapan din kaming pagbabago at kung anu-ano pa tungkol sa project na ito.
Whole morning ay nandoon lang kami sa site, mino-monitor ang mga workers at gina-guide na rin sila sa iba pang gawain.
"Almost fifty-percent na ang project na ito. Ilang months na lang at matatapos na rin," sabi ko pa habang nakatingin sa malaking infinity pool na ginagawa na ngayon ng ibang workers.
"Yeah, isa ito sa mga pinaka-mabilis na project natin. Filipinos are really hard working," sagot naman ni Engr. Meeton na nasa tabi ko lang. "Um, before I forgot... Kither will be back this Wednesday, gustong humabol sa birthday ng kambal."
Natawa ako sa sinabi ni Engr. Meeton.
"Mabuti naman at babalik na siya, ano?"
"And another thing, Mr. Darry Lizares' secretary notified me earlier na kailangan mo raw pumunta sa opisina niya sa Lizares Sugar Corp mamayang alas tres ng hapon to discuss the things you sent him last Friday."
BINABASA MO ANG
She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)
Ficción GeneralMJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?