"The MJ Osmeña na hindi nagbo-boyfriend pero maraming lalaki sa buhay!"
She Leaves - 18
(THE TEARS THAT SHED)
I am torn. Torn between mourning my feelings and be happy of what it turned out. Gusto kong umiyak, noong isang araw pa 'to, e. Gustong-gusto ko kaso ni-isang patak ay hindi man lang lumabas, ni-isang nagbabadyang luha ay hindi man lang nagparamdam sa gilid ng aking mga mata.
Lumagok ako sa Heineken na hawak habang nakatitig sa lamesa naming maraming iba't-ibang klaseng pagkain na ngayo'y ubos na.
Nakatulala ako matapos kong ikuwento sa mga friends ko ang lahat ng nangyari. Magmula noong ipinagkasundo kami ni Sonny, nagsimula akong maghinala, noong nalaman ko ang totoo, 'yong nangyari sa engagement party, hanggang sa nangyari kanina sa study room. Naging tahimik sila at ako naman ay natulala lang. Hindi ko alam kung bakit hindi sila agad nagpa-ulan ng tanong. Tahimik lang sila at maya't-maya ang tikhim, paggalaw sa upuan, at kung anu-ano pang movements pero ang magsalita ay wala yata sa vocabulary nila ngayon.
Naka-on call si Nicole at Maj para isang bagsakan na lang ng kuwento. Sakto rin namang walang trabaho si Nicole kasi day-off at si Maj naman ay, siyempre, gabi na, wala ng trabaho. Alam n'yo na kung sino ang mga inimbita ko ngayong gabi. Kami na lang ang natitira rito sa bahay dahil kanina pang umuwi ang lahat ng relatives ko pati ang mga Lizares. Kaya kami naiwan para may umubos ng mga pagkain. Charot.
Isang matinding tikhim ang ginawa ni Vad dahilan para mapalagok ulit ako sa alak na hawak.
"Wow..." Automatic akong napatingin kay Lorene nang siya ang unang nagbasag ng katahimikan. Para naman siyang nataranta nang makitang nakatingin na ako sa kaniya. "I mean... I'm speechless. Ano ba dapat ang sasabihin?" Dagdag na sabi niya kaya umismid na lang ako at ipinagpatuloy ang pagtitig sa lamesa.
Naku, kung may pakiramdam lang talaga ang mga lamesa sa araw na ito, baka matagal nang na-fall sa akin ito, e. Ikaw ba naman titigan nang malagkit.
Tanga, MJ! Nagawa mo pa talagang magbiro.
"MJ, kung sana sinabi mo sa amin nang mas maaga, baka may chance na ma-warning-an ka namin."
"Gaga ka, twin? Si Vad nga na naunang nakaalam, hindi nga na-warning-an, e, tayo pa kaya?"
Napa-iling na lang ako sa sagutan ng kambal.
"W-in-arning-an ko na kasi 'yan, hindi nga lang naniwala," ani Vad.
"Teka... 'di ba nagku-kuwento naman ako tungkol sa mga Lizares? Hindi mo ba pinaniwalaan 'yon?"
Napatingin kaming lahat kay Nicole sa isang iPad ko nang marinig namin siyang nagsalita. Sa Macbook naman si Maj at pareho silang nakikinig sa aming lahat na nandito sa bahay.
Umiling ako bilang sagot sa sinabi niya.
"Ito rin 'yong napag-usapan natin no'ng nandito ka sa Manila, 'di ba? Naghihinala ka na pala no'n, bakit pinagpatuloy mo pa rin ang engagement?"
Inilapag ko sa lamesa ang walang lamang boteng hawak ko at nilaro ang lips ko habang nakatingin kay Maj.
"Yeah... kasisimula ko pa lang sa paghihinala no'n, naubusan ako ng time kaya hindi ko na napigilan," cool kong sabi.
Natahimik ulit ang lahat.
"Alam kong imposible itong tanong ko, MJ, ha, pero... nasaktan ka ba?"
Natigil ako sa paglalaro sa labi ko dahil sa tanong ni Ressie. Para itong trigger, trigger para mapuwing ako at tumulo ang luhang kagabi ko pa iniipon.

BINABASA MO ANG
She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)
Ficção GeralMJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?