"Maski ikaw pa ang pinaka-mayamang tao sa buong mundo, hinding-hindi ka makakabili ng pangalawang buhay para sa sarili mo."
She Leaves - 44
(THE SUNDAY LUNCHEON)
"Pau, do you think it's my karma?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
Nakatingala ako sa langit... at payapang pinagmamasdan ang ma-bituing kalangitan.
"Karma?" Nagtatakang tanong niya. "You know what, I'm not really a believer of karma but why do you think it's your karma and in what way naman?"
Nanatili ang tingin ko sa itaas, inaalala ang mga pinaggagawa ko noong nasa murang edad pa lamang ako.
"I grew up getting everything I wanted. Kahit anong gusto at hindi ko gusto, nakukuha ko. Madali sa akin makuha ang lahat dati. Concert ticket? Mama is just one call away. New car? Papa is absolutely ready to help. A vacation? Lolo Mado will pay that for you. An impossible dream? Lola will definitely get that for you. Way back, everything was so easy and accessible. Pero bakit ngayon... simple lang naman ang gusto ko, ba't ang hirap kunin? Ang hirap abutin?"
"Ano pa ba ang gusto mo, MJ?"
Ibinaba ko ang aking tingin at pinagmasdan ang beer na hawak-hawak ko. Napabuntonghininga ako at marahang ipinikit ang aking mga mata.
"Pau, I want a complete family for my children. Pau, gustong-gusto ko nang ipakilala sa kanila ang totoong ama nila. Pau, gusto ko nang kasangga sa buhay." Tinatagan ko ang aking loob para hindi bumagsak ang mga nagbabadyang luha. "Pau, one second I want them to be kept away from his family and the other second, I want them to at least know the existence of my children. Pau, I am so confusing!"
I heard Paulla sighed and then she tapped my back.
"Hindi kasi lahat ng gusto natin, agad nating makukuha. Maski ikaw pa ang pinaka-mayamang tao sa buong mundo, hinding-hindi ka makakabili ng pangalawang buhay para sa sarili mo." I glance on her way. "Hay naku, nakaka-stress ka talaga kahit kailan, MJ! Simple lang naman ang solusyon d'yan sa problema mo, e."
"Ano naman 'yon?"
"Edi magpatawad ka!" She said it like it's a matter of fact. "Forgive him and you'll going to get what you wanted! Simple problem with simple solution, pinapa-complicate mo lang ang situwasiyon, bruha," dagdag na sabi niya pa.
Sumama ang mukha ko sa mga pinagsasabi ni Paulla. Napatungga ako sa beer na hawak ko.
Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Yanson. May kaonting salu-salo dahil naka-pasa 'yong isang pinsan nina Genil at Nicole sa board exam ng Nursing. E, in-invite kaming mga friends nila kaya nandito kami ngayon. Kasama namin ang barkada pero si Paulla lang ang sinabihan ko ng problema ko. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kahapon pero si Paulla lang ang binagsakan ko ng problema dahil siya lang naman ang bukod tanging naiwan dito sa table namin.
"Tsk, tsk, tsk, tsk..." Napapa-iling na sabi ni Paulla matapos akong nanahimik sa kaniyang sinabi. "Kasing tayog ng bundok ng Lunay ang iyong pride, kaibigan," wika pa niya. "Tatanungin nga kita, MJ, mahal mo pa ba si Darry?"
Fireworks. A lot of fireworks.
Humigpit ang hawak ko sa bote ng beer at mariin itong tiningnan. Sa boteng iyon ko inilabas ang kabang naramdaman ko nang itanong sa akin ni Paulla iyon.
"Kasi kung hindi mo na siya mahal, madali lang sa iyong sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga bata, madali lang sa iyong sabihin sa mga bata ang tungkol sa kanilang tatay. Madali lang ang lahat kung ganoon, MJ. At kung sasabihin mo naman sa akin na mahal mo pa siya, siguro kaya ka nahihirapan ngayong sabihin sa kaniya dahil wala kang assurance o dahil natatakot ka na hindi mo mabubuo ang pamilyang dapat ngayon ay buo."
BINABASA MO ANG
She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)
Ficción GeneralMJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?