SL - 7

324 15 5
                                    

"Naiinis ako sa kanila dahil sa pag-iwan nila sa akin sa ere at nagtatampo ako dahil pinairal nila ang mga puso nila."


She Leaves - 7

9 MONTHS BEFORE THE ENGAGEMENT


Humigop ako sa mainit-init na sabaw ng tinolang manok. Ito kasi ang ulam ngayong pananghalian. Nasa canteen ako kasama ang mga engineering friends ko.

Simula no'ng June, naging abala na ang buhay mag-aaral ko. Fifth year na kasi kaya kaliwa't-kanan na ang gawain. Meron pang project study na kailangang atupagin.

Minsanan na nga lang din akong lumabas ng gabi at mag-party sa sobrang daming gawain. Ang huling party yata na napuntahan ko ay no'ng fiesta pa ng ciudad namin. Aba'y ewab, ayoko nang balikan ang gabing 'yon. Naiirita ako. Hindi ko kasi nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Siguro dahil sa nainom ko. Oo, dahil lang 'yon sa nainom ko. Walang ibang taong involve, sarili ko lang at ang iba't-ibang klaseng inumin na tinungga ko. Basta naiirita talaga ako.

"MJ, tapos ka na ba sa design mo para sa Transpo Eng?"

Sa kalagitnaan ng panananghalian namin ay biglang nagsalita itong si Raffy. At dahil ngumunguya ako, tinanguan ko ang tanong ni Raffy.

"Mabuti ka pa... Kailan mo natapos?" dagdag na tanong niya.

Uminom muna ako ng tubig at nilunok ang pagkain bago siya sinagot.

"Kahapon pa. Ipapasa ko na nga ngayon kay Prof, e."

"Sabay na tayo, MJ, tapos na rin ako," sabi naman ni Joemil. Tinanguan ko ang sinabi niya.

"Sige, after lunch," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Nang dahil sa pinasok ko ang mundo ng engineering, nawawala ang poise ko bilang isang babae. Minsan nagiging lalaki na rin ang mga ikinikilos ko. Siguro sa impluwensiya ng mga palagi kong nakakasama at sa environment ng trabaho namin. Kumportable naman at masaya namana ako kaya okay lang.

After lunch, nagpa-iwan ang iba naming kaibigan sa Falcon's Nest: isang tambayan na maraming benches at pinapagitnaan iyon ng building ng College of Infotech at ng College of Engineering. Kami naman ni Joemil ay naglakad papuntang faculty room ng Engineering Department. Hindi na kasi makikipag-meet ang Prof namin sa Transportation Engineering kaya kailangan naming personal na ipasa ang ipinapagawa niyang design.

Nagku-kuwentuhan kami ni Joemil habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa office ng faculty. Pinagbuksan ako niya ako ng pinto kaya na-una akong naglakad at dire-diretso ako. Binabati ang mga faculty na madadaanan.

Nang malapit na kami sa table ng Prof ay biglang bumagal ang lakad ko nang may nakita akong isang pamilyar na likod, isang pamilyar na style ng buhok.

Oh no, don't tell me that's him?

"Good afternoon, Prof."

"O, Osmeña at Gonzaga? Magpapasa na ba kayo?" pansin sa amin ni Prof.

Sabay no'n ang paglingon ng lalaking nakatayo sa harapan namin, sa mismong tapat ng table ni Prof. Pero hindi ko siya nilingon.

Instead, si Prof ang pinansin at nginitian ko.

"Yes, Engineer," si Joemil ang sumagot.

Kinuha ni Joemil ang gawa ko at siya na mismo ang nag-abot sa Prof kasi mas malapit siya. Hindi kasi ako tuluyang makalapit dahil sa presensiya ng isang hindi inaasahang engkanto.

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon