SL - 38

218 11 3
                                    

"True To Our Words, True To Our Services."


She Leaves - 38

(THE BAR)


"Mom, be home at twelve," wika ni Kaven with conviction, na animo'y siya ang tatay ko.

"Yes, Mom! We need you to send off us early tomorrow ha?" Na sinundan naman ng babae kong anak.

Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ng kambal. I level their height and carefully caress their cheeks. Pinaghahalikan ko rin ito at kahit nanggigigil sa mga mukha ng dalawa ay pinigilan ko ang sarili ko. Parang gusto ko na lang manatili muna sa bahay siguro.

"Opo mga boss, I'll be home before twelve AM and will be sleeping by your sides," sagot ko naman na parang bata na pinapagalitan ng mga magulang.

Minsan talaga, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o hindi sa katalinuhan at ka-mature-an ng mga anak ko, e. Magfo-four years old pa lang sila, Diyos ko po.

"Enjoy your party with your friends, Mom." Hinalikan ulit ni Keyla ang pisnge ko at kinilig naman ako.

"Sleep early ha, and don't indulge yourself with playing too much. 'Wag niyo rin papagurin si Tita Lourd ninyo at Tito Jest niyo, ha?" Bilin ko sa kanila. Pareho namang tumango ang dalawa.

Hindi ko na hinabaan ang pagpapaalam namin at agad akong umalis, nagbilin ng iilang habilin kay Alice at Erna bago umalis.

Matapos ang pag-uwi namin sa Leonardia mansion at matapos kaming salubungin ng mga pinsan ko ay napuno ng tawanan at kuwentuhan ang hapon naming iyon. Kinagabihan ay umalis na sina Ates Fiona, Chain, at Teagan para sa kani-kanilang mga trabaho and Kuyas Mikan and Yohan also went home to their own condos para naman sa kani-kanilang errands. Si Hype ay umalis na rin para sa party na pupuntahan namin mamaya. Iisang party lang kami pero hindi kami sabay na pupunta, malaki na naman 'yon, e.

Si Jest and Lourd naman ay nagpa-iwan para raw makalaro ang dalawa kong anak, dito na rin sila matutulog. Ang sabi rin, sawa na raw sila kaka-party dito sa Manila kaya hindi na sila sasama. Hay naku talaga ang mga Osmeña.

I was silently driving to a well-known bar here in Taguig. Ang sabi ni Nicole dito raw kami magkita-kita.

Papasok ako sa loob ng bar nang biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko itong sinagot nang makita ang caller ID.

"Yes, Engineer Kith?" Magalang na tanong ko habang nakikipagsapalaran sa malawak na parking lot na ito.

"Hey, Engineer MJ... you're here in Manila now?"

May mga nakakasalubong akong iba't-ibang klaseng tao papasok sa bar na sinasabi nila.

"Yes, Engineer, kaninang hapon lang," sagot ko naman.

All I can say is that, maraming nagbago sa apat taon na wala ako rito sa Pilipinas. I may not familiar with Manila but I am certain that there are changes. Paano na lang kaya ang Negros? Ang ciudad namin?

"Good, so, where are you right now? Nandito kami ngayon sa Revel, hope you could come."

I smirked and help myself to the way on top.

"You're one hella lucky guy, Engineer Kith, nandito rin ako sa Revel but I'm with my friends so I guess, see you around na lang?" Pagtatapos ko sa usapan namin ni Engr. Kith.

Maraming na-iintriga sa closeness namin ni Engr. Kith Cervantes pero binabalewala ko na lang kasi pareho naming alam na wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa. Alam na alam ko ang mga gawain niya kasi minsan sa buhay ko, naging gawain ko rin 'yon at saka mahirap nang magtiwala 'no, I've had enough because once is enough. Punyemas.

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon