SL - 33

170 8 4
                                    

"But what's done is done, hindi na natin mababalik ang lahat."


She Leaves - 33

(THE HEARTLESS)


"Magandang umaga, Attorney Tupas," magalang na bati at salubong ko sa abogado ng aming pamilya.

Nakipagkamayan siya sa akin at ganoon din kay Mama, Ate, at Darry.

Matapos ang panandaliang batian, agad kaming nagsi-upuan sa oval shaped table ng study room. Nasa right side ko si Aira, nasa left side si Atty. Tupas, nasa kabisera si Mama at katabi niya si Ate habang si Darry at ang kanilang abogado ay nasa tapat ko.

"Are Don Gabriel and Donya Felicity coming, Sir Darry?" Pagbabasag ni Atty. Tupas sa katahimikan matapos kaming magsi-upuan.

"No, Attorney. You can proceed, they gave me a go signal to handle this alone," anang baritonong boses ni Darry.

I unconsciously shifted to my seat.

"'Wag kang mag-alala, panyero, makararating ang lahat ng mapag-uusapan sa mga Lizares," sagot naman ng abogado ng mga Lizares na si Atty. Vaflor.

Agad na may inilabas na mga papeles ang abogado namin. Mga importanteng papeles na hindi ko na inabala sa pag-alam, alam ko namang sasakit lang ang ulo ko kakatingin sa mga letrang iyon. Masiyadong nababalot ng usok ang utak ko ngayon, hindi makapag-function nang maigi.

"The moment you've contacted me, Miss Osmeña, I've already prepared the papers since ang partido natin ang nag-petition ng annulment na ito," explain niya sa akin kaya umayos ako sa pagkakaupo

"Mas mapapadali ang proseso gaya ng inaasahan dahil sa koneksyon ng parehong pamilya," wika ni Atty. Vaflor.

"At dahil isa rin ito sa mga bilin ng yumaong si Senyor Mado, kaya mas mapapadali pa lalo ang proseso. Aasahan na mabibigyan agad ito ng pansin ni Judge Castro." dagdag na sabi ni Atty. Tupas.

Binigyan ako ng kopya ng kung anong mga papeles na ito para basahin. Hindi ko na sana babasahin pero nang lingunin ko si Ate, wala sa oras kong nakuha ang mga papel para basahin. Nakakatakot ang mga titig niya. Punyemas.

Nagsimulang mag-discuss si Atty. Tupas tungkol sa prenuptial agreement at kung anu-ano pang hindi na rumerehistro sa utak ko. Nagsimula na naman kasing lumipad ito habang nakatitig lang sa kapirasong papel na hawak ko.

Minsan, nakakapagod na rin palang maging dahon na buhay. 'Yong dahong nakakabit pa sa puno. Naturingan ka nga'ng buhay, hindi ka naman malaya. Para ka namang nakakulong sa isang paraiso. Paraisong hanggang tingin lang at walang chansa'ng malibot ang magandang paraisong iyon. Mas mabuti pa siguro kung patay na dahon ka na lang, kahit wala nang buhay, malaya naman.

Lolo's absence here on earth made me realize something. Do not take everything for granted, especially people's lives, your love ones' lives.

Mariin akong pumikit at pinigilan ang sariling ibagsak ang namumuong luha. Hinilot ko na rin ang sentido ko para pakalmahin ang sarili.

I have noticed to my self these past few days, naging emotional ako since his death. I don't know. Sobrang mahal ko lang siguro si Lolo kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala niya.

Maraming sinabi sina Atty. Tupas at Atty. Vaflor pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Napabuntunghininga ako nang isa-isa na silang nagtayuan.

"Gaya nang napag-usapan, mapapabilis ang proseso ng annulment ninyo Mister Lizares at Miss Osmeña. Maybe two weeks from now ay mapipirmahan na ninyo ang annulment papers. Kailangan pang i-verify ni Judge Castro ang lahat at since nasa Manila siya ngayon, kailangan pang ipadala ang mga papeles doon." Napa-ayos ako ng upo at pinasadahan ng tingin si Atty. Vaflor na nakatingin na rin sa akin. "I know this annulment is urgent, Miss Osmeña, but could you wait for some weeks for it to be approved, Miss Osmeña?"

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon