SL - 29

206 10 4
                                    

"'Di ba uod 'yon? Early bird catches the early worm?"


She Leaves - 29

(THE ARDENT SPIRITS)



"Hello, Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.

Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj.

"Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"

Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko.

"Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.

We meet again, ardent spirits!

"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa.

"Mabuti nga sinama ako," sagot ko na lang at tahimik na pinagmasdan ang mga kaibigan ni Darry sa table namin. Tapos ko na silang batiin kanina at may sari-sarili na silang mundo. May mga babae kasi silang kasama at si Darry naman ay nakikipag-usap kay Mefan.

"By the way, highway, bruha! Balita ko nandito mga pinsan mo, a?"

Naagaw ni Jessa ang atensiyon ko kaya nakangiti ko siyang nilingon ulit.

"Sinong mga pinsan?" Hindi kasi ako naka-check ng group chat naming Osmeña kaya wala akong alam kung nasaan ang mga pinsan kong naka-base dito sa Manila.

"Nasa baba sila, gusto mong pumunta? Ayoko kasi rito." Ibinulong ni Jessa ang mga huling sinabi niya kaya taas-kilay ko siyang pinagmasdan.

"Ayaw mo rito? E, nandito si Mefan, a?"

"Basta, ayoko nga kasi, hindi ako comfortable. Mas comfortable ako roon sa baba, at saka gusto ko ring sumayaw. Sige na, MJ, puntahan na natin mga pinsan mo."

Na-weird-an ako sa pinagsasabi nitong si Jessa kaya buong atensiyon ko na talaga ang naibigay ko sa kaniya.

"Nag-away ba kayo ni Mefan?"

"Hindi, a! Hindi lang talaga ako sanay na ganito ka-repose ang atmosphere ng party moment natin. Alam mo naman, nahawa na kami sa mga Osmeña kaya gusto ko 'yong wild party naman."

May point nga rin naman si Jessa. Masiyado nga'ng kalmado ang mga taong nandito sa second floor ng bar na pinuntahan namin. High end bar ito so siyempre mahal talaga. Mga mayayaman at respetadong mga tao ang nandito sa ikalawang palapag. Puro upo at pag-uusap lang ang ginagawa nila kahit na sobrang ingay na sa buong place dahil sa music. Sabi rin sa akin kanina na VVIP Lounge daw ito. So ibig sabihin, sobrang mga importanteng tao talaga ang nandito at hindi sila basta-basta. It's not that we can't afford to be here but punyemas, gusto nga naming mag-sayaw. Wala nga'ng nagsasayaw dito sa second floor, e.

Tumango ako kay Jessa at tumayo na rin. Nakita ko pa na napatigil si Darry sa pakikipag-usap kay Mefan at sabay nila akong sinundan ng tingin. Ngumiti ako kay Darry ng isang matamis na ngiti.

"Uh... bababa lang kami, pupuntahan namin mga pinsan ko. Nasa baba raw kasi sila." Pinasadahan ko na rin ng ngiti si Mefan na tinanguan lang niya.

"Sasamahan na kita," presenta niya na agad kong hindi sinangayunan.

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon