"All must end well."
She Leaves - 35
(THE PAPERS)
Sa bawat araw na dumadaan, mas lalong bumibigat ang pasanin ko. Kung hindi lang dahil sa mga pinsan kong si Breth at Steve, baka tuluyan na akong natakwil sa pamilyang ito. At ang mas lalong masakit sa naging situwasyon ko, hindi nakikialam ang mga Tito at Tita namin sa alitan namin. Maski ang mga magulang ko, hindi ako kayang ipagtanggol sa kanila.
This is so depressing. Each passing day, it becomes depressing. I don't know what to do. Hindi ako makatagal sa mansion dahil kusa akong umiiwas sa mga older cousins ko. Kaya palagi akong tambay sa bahay, mag-isa, minsan kasama ang mga kasambahay.
Unang Sabado ng December ang libing ni Lola. At ngayon 'yon. Inayos ko ang sarili ko kahit na medyo nahihilo na ako at minsan ding sumasakit ang ulo ko, pinilit ko ang sarili kong gumalaw.
I just realized, it's so ironic. I should have been relying with alcohols right now pero bakit hindi ko magawa? Siguro sa fact na depressant ang alcohols, kung lugmok ka na, mas lalo kang malulugmok kaya hindi kailanman naging sagot ang pag-iinom sa kahit anong klaseng problema.
Wow, coming from an alcoholic like me.
Lumabas ako ng kuwarto at bumaba na ng hagdan. Naka-abang sa akin ang kotse ko sa labas at nasa gilid no'n si Manong Bong.
"Manong, ako na lang po ang magda-drive, kaya ko na po."
He hesitantly gave the keys to me.
"Sigurado po kayo, Ma'am?"
"Yes, manong, kaya ko na po ang sarili ko."
These past few days kasi, palagi akong nagpapa-drive dahil hindi ko kaya. Natatakot lang ako.
Nag-drive ako papunta sa simbahan, kung saan magaganap ang misa para kay Lola. It's the same scene with Lolo. And it feels like a de ja vu.
Gaya ng inaasahan, marami nga ang makikiramay. Pero hindi ko na iyon pinagtoonan ng pansin at diri-diretsong pumasok ng simbahan.
Eksaktong nasa gitna na ng simbahan ang kabaong ni Lola para sa misang magaganap. Punuan na rin ang simbahan kaya wala akong naging choice kundi ang tumayo na lang sa labas ng simbahan. What I did this past few days are enough para 'wag nang mang-agaw ng atensiyon ng mga tao ngayon. That's the last thing I want right now: other people's attention.
"Naku, Ma'am MJ, bakit po kayo nandito? Dapat nandoon po kayo sa loob!"
Pero kahit na naka-suot na ako ng sunglasses ay mapapansin at mapapansin talaga ako at meron talagang makakakilala sa akin. Nilingon ko ang medyo katandaang lalaki na sa pagkaka-alala ko ay isa sa mga trabahante ng tubohan namin at marahang tinapik ang kaniyang balikat.
"Dito na lang po ako, manong," sagot ko naman sa kaniya. Hindi siya kumbinsido pero wala siyang nagawa kundi ang tumango na lang at iwan ako.
Nagsimula ang misa at iilang orasyon. Pero sa kalagitnaan ng misa at pagwawali ng pari, may lumabas na babaeng may bitbit na bata galing sa loob ng simbahan. Kapansin-pansin iyon dahil umiiyak ang bata at pilit niya itong pinapatahan. At dahil nasa labas ako ng simbahan, dito patungo ang babae sa puwesto ko.
Hindi ko winala ang tingin ko sa babaeng iyon hanggang sa tumabi siya sa akin at pilit na pinapatahan ang bata. Medyo tumahan naman ito nang makita ako. Titig na titig sa akin ang bata, nagtaka ang nanay niya kaya napatingin na rin sa akin. It's my cue to look the other way.
BINABASA MO ANG
She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)
Ficção GeralMJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?