SL - 4

341 19 5
                                    

"Take the risk or forever lose your chance."


She Leaves - 4

4 YEARS BEFORE THE ENGAGEMENT


I was voted as the 'Most Likely To Get Pregnant Before The Age Of Eighteen' way back Junior High School.

Now, I just turned nineteen years old. Still a punyemas virgin!

Malandin man sa inyong paningin, marunong namang pahalagahan si muningning.

Kidding aside, it's all in the past now. Hindi naman ako nagtanim ng hinanakit sa mga kaklase kong bumuto sa akin no'n. Hindi dapat ako magtanim ng galit kasi isa na sa mga nagsabi no'n ay mismong mga kaibigan ko. Isang patunay na ganoon ka-landi ang tingin nila sa akin kaya hindi ko sila masisisi.

So anyways, heto na nga, nasa Amanpulo pa rin kami ngayon. Kakatapos lang ng family dinner namin with the Lizares brothers. Kaniya-kaniya na kami after. Ang mga matatandang Osmeña ay agad nagpalabas ng mga inumin sa kanilang table malapit sa dalampasigan. Kaming mga batang Osmeña naman ay na-isipang gumawa ng malaking bonfire sa buhanginan. Medyo malayo sa puwesto ng mga matatanda. Sinama na rin namin ang Lizares brothers. Nakakahiya naman kasi kung hindi, e, bisita namin sila.

From oldest to youngest, ang makakasama namin sa bonfire na iyon ay sina: Ate Ada, Ate Fiona, Ate Tonette, Kuya Clee, Ate Die, Ate Chain, Kuya Yohan, Ate Teagan, Kuya Mikan, Breth, Steve, ako, at ang kaka-eighteen lang sa aming magpipinsan na si Lany at Hype.

Technically, si Kuya Yosef ang pinakamatanda sa aming Third Generation Osmeña, but since his engagement party, he was then labeled as MIA.

I also have other cousins na hindi kasama sa bonfire na ito dahil masiyado pa silang mga bata. Sina: Lourd, Jest, May, Fam, Shay, Rov, at ang bagong miyembro ng third generation na si Reg.

Kaya malaki ang bonfire na ginawa ng tagapangalaga ng private resort dahil sa dami namin, tapos dumagdag pa ang limang Lizares brothers. Nagmistulang batallion kami sa dalampasigan.

Sobrang ingay namin dahil kaliwa't-kanan ang usapan ng mga pinsan ko. Maski si Ate Tonette na tahimik pagdating kay Decart Lizares ay nagawang makipagsabayan sa trip naming magpi-pinsan.

Hindi rin halatang out of place ang Lizares brothers dahil kinakausap naman sila ng iba ko pang pinsan.

Kasama ko ngayon si Breth at Steve...

A little trivia about Breth: he's the third son of Tito Arm. Magka-edad sila ni Steve pero batchmates kaming tatlo. Ibang school nga lang ang gago.

Kakasunod pa lang namin sa bonfire dahil sinamahan pa namin ni Breth si Steve na kunin ang gitara ni Kuya Mikan. Gagamitin lang for jamming purposes though hindi namin forte ang mga solemn musical jamming. Maglokohan man kami ngayon, mas gusto naming magpipinsan ang bar at mga hype party kesa sa ganitong acoustic night. Kaso wala na kaming choice, e, wala namang puwedeng puntahang bar dito sa isla kaya we'll settle down with jamming. After all, nakaka-relax din naman 'yon.

Kaniya-kaniyang puwesto na ang mga pinsan ko. May tatlong espasyo akong nakita, magkakahiwalay, siguro para sa amin nina Steve and Breth kasi kami na lang talaga ang hinihintay, e.

Umupo ako sa isang espasyo na pinapagitnaan ng pinsan kong si Ate Teagan at ni Sonny Lizares. Nasa kanan ko si Ate Teagan, nasa kaliwan naman ang walang pakialam na si Sonny.

At siyempre, mawawala ba naman ang mga inumin? Siyempre, hindi. Ngayong nasa legal age na kaming lahat ay sari-saring inumin ang meron kami at lahat 'yon - hard liquor. 'Yung tipong magpapa-surrender ng atay mo sa sobrang hard.

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon