"I have my own standards and qualifications bago ko gawing kaibigan ang isang tao."
She Leaves - 5
2 YEARS BEFORE THE ENGAGEMENT
"And good job! Maganda! Sa tingin ko may laban ang College of Engineering. Am I right, Engineer Lizares?"
Wala sa sarili akong napa-irap habang naglalakad papunta sa duffel bag ko.
Tatlong rounds ng practice ang ginawa namin para sa final practice na ito. Una, 'yong kami-kami lang as a group. Pangalawa, pinapanood na kami ng aming supervising faculty. Pangatlo, ang Dean of College of Engineering na ang nanunood sa amin. Sa tatlong rounds na 'yon, nandoon lang sa isang sulok si Sonny. Tahimik na nakamasidsa bawat galaw namin. Oo. Namin. Ayokong mag-assume na ako lang ang tinitingnan niya kahit halata naman.
Ngayon ay hiningan na siya ng komento ni Dean tungkol sa naging performance namin.
"Tama po kayo, Dean, magaling nga itong mga kasali sa pop dance ngayong taon."
Napapikit ako nang mariin dahil nagsisi akong lumapit agad ako sa duffel bag ko bago pa man siya nagsalita. Sana pala pinatapos ko muna siyang magsalita para hindi ako bagyuhin na may kasamang kulog dahil sa boses niya.
"Tama. Tama. Tama ka talaga, Engineer Lizares!"
Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kaniya at palapit sa mga kasamahan ko habang bitbit ang kinuha kong tumbler sa duffel bag.
Habang naglalakad ay inuubos ko naman ang tubig dahil inuhaw ako sa pagod.
Nakatalikod si Sonny sa akin kaya nagkaroon ako ng magandang view sa mahaba niyang buhok sa may batok. Katulad ng una ko itong napansin, naka-braid pa rin ito at sa tingin ko, mas lalo itong humaba from the last time I saw him with that.
I honestly find that one cute. Bagay sa kaniya.
Oh shit! Stop it, Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña. What you are thinking right now is very wrong in any possible way!
Umiling na lang ako at itinoon ang atensiyon sa ibang bagay.
Sakto namang nilapitan ako ng isa kong kasamahan sa pop dance na si Ria.
"Ang guwapo talaga nitong si Sonny! Walang kupas! Isang taon na siyang wala sa Uno-R pero kilala pa rin siya ng mga taong nandito."
"Tapos ngayong nag-topnotch pa siya sa board exam nila. Edi, dagdag na mas lalo siyang naging kilala, 'di ba?" may isa na namang lumapit na si Bryan.
"Hindi lang dito sa probinsiya natin. Maging sa Manila at sa buong Pilipinas na yata. Sabagay, ma-impluwensiya naman kasi talaga ang mga Lizares."
"Talaga?" singit ko sa usapan nila. Trying to sound like an interested creature.
Mas ma-impluwensiya pa sila kesa sa mga Osmeña?
"Talaga! Sa lahat din kasi ng Lizares brothers, siya lang ang nag-aral dito. The rest, 'di ba, mga alumni ng La Salle?" ani Ria.
"Yes naman!" seconded by Bryan with his gay accent.
"Kaya nga minsan, La Sallian brothers ang tawag ng iba sa kanila instead of Lizares brothers. Hahaha," at sinabayan ni Bryan ng tawa si Ria sa sinabi nito.
Umiling na lang ako at hindi na ulit pa pinatulan ang pag-uusap ng dalawa.
Maya-maya lang din, d-in-ismiss na kami ng supervising faculty namin sa pop dance.
BINABASA MO ANG
She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)
General FictionMJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?