SL - 32

193 8 2
                                    

"Darry, puwede ba tayong mag-usap?"


She Leaves - 32

(THE VISITOR)


Nagku-kuwentuhan sila ng kung anu-ano nang bigla silang tumigil sa pag-uusap at napalingon sa aming bandang likuran. Nag-angat na rin ako ng tingin at agad napatayo nang makitang palabas na ng building ang mga in-laws ko. Wala sa sarili kong nilingon si Steve at Breth at isang tango lang ang isinagot nila sa akin.

Nilapitan ko ang mga in-laws ko kasama ang iilan sa mga anak nila. Kasama na roon si Sonny at Darry.

"See you tomorrow, hija. Rest well," huling habilin ni Mommy Felicity sa akin bago niya ako niyakap, pati na rin si Dad. Magalang akong nagpaalam sa kanila, still ignoring Darry.

Nagsunod-sunod na nagsi-alisan ang mga bisitang nandoon sa eulogy kanina. Lumalalim na rin ang gabi. Sinamahan na rin ako ni Steve at Breth na magpaalam sa iilang bisita.

Nang malamang wala ng bisitang paalis ay binalikan ko ang puwesto ng mga kaibigan ko. Sumunod din sa akin si Steve. Si Breth ay kinausap pa si Darry.

Patuloy sa pag-uusap ang mga kaibigan ko habang ako ay tulala pa rin sa isang tabi habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Ressie.

Kung may mga pa-uwing bisita, meron ding parating. Kahit hindi ako masiyadong attentive sa paligid ko, alam ko naman kahit papaano kung ano na ang nangyayari sa paligid ko.

May dumating na bagong kotse sa premises ng admin building pero masiyado akong pagod para pagmasdan man lang ito. Narinig ko lang ang makina ng kararating lang na kotse.

"MJ, si Engineer Valmayor..."

Ha?

Automatic akong napaayos ng pagkaka-upo nang sabihin iyon ni Steve sa akin. Sinundan ko ng tingin kung saan silang nakatingin lahat at laking gulat ko nang makita nga siya... at hindi siya nag-iisa.

Nakatingala siya sa pangalawang palapag ng admin building, kung saan ang wake ni Lolo, kasama ang hindi inaasahang bisita. I immediately march towards them with raging anger inside me.

Bakit siya nandito?

I keep my distance to them, enough lang para maagaw ko ang atensiyon nilang dalawa.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito?" Itinuro ko siya at ang panibagong galit sa kalooblooban ko ay bigla na namang sumibol.

Sabay silang napatingin sa akin pero wala kay Tibor ang atensiyon ko, nasa kasama niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Pag-uulit ko, almost hysterical.

Naramdaman ko ang presensiya ng mga kasamahan ko kanina pero wala akong pakialam! Ang gusto kong malaman ay kung bakit siya nandito?!

"C-Cony..." Wika ni Tibor. Panandalian ko siyang tiningnan.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito? Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin?" Sigaw ko sa kaniya, hindi na napigilan ang takot at histeryong nararamdaman sa sarili.

Lahat ng takot at trauma na naramdaman ko noong araw na iyon ay tila nagbalik sa akin dahil lang sa nakita ko na naman ang presensiya niya.

"MJ, calm down... mga bisita sila," pagpapakalma sa akin ni Steve pero wala akong pakialam.

Halos sugurin ko siya kung hindi lang ako napigilan nina Breth.

"Anong nangyayari rito?"

May narinig akong mga bagong dating pero WALA. AKONG. PAKIALAM!

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon