SL - 11

262 14 9
                                    

"Thank you for shopping SM Department Store, Ma'am, please come again."


She Leaves - 11

(2 MONTHS BEFORE THE ENGAGEMENT)


"Ready for hardbound!" Binasa ko ang maliit na note na nakalagay sa sandamakmak na papel na ipinasa namin kanina after ng defense. "Ready for hardbound na tayo!" Muling sigaw ko.

"'Yon o!"

"Nice!"

"Tara na! Pa-hardbound na tayo."

"Waste no time, engineers!"

"Siguradong-sigurado na ba?"

'Yan ang sari-saring reaksiyon ng mga project study mates ko nang sabihin ko ang magandang balita sa kanila.

"Oo nga! Ano? Tara na!" Natatawang sabi ko.

Sobrang ingay namin ngayon, mabuti na lang at malapit kami sa field at malayo naman sa buildings. Baka napagalitan na kami dahil sa sari-saring sigaw namin. Sino ba kasi ang hindi matutuwa na ang halos isang taon mong pinaghirapan na project study ay makakapasa sa mga panel? Sinong hindi? Kaya dapat i-celebrate!

First week of February, nagkaroon kami ng project study defense. Dinepensahan namin ang aming gawa. Dinepensahan namin hanggang sa aming makakaya. Buong lakas, buong loob naming dinepensahan kahit na maraming doubts, maraming pagtatalo, maraming tulog ang nasayang, maraming kape ang nalaklak sa paggawa nito but in the end, na-aprubahan din! Nang walang ibang question! Tama nga ang measurements namin!

On the second week of February, pinasa namin ang project study for thorough checking, grammar checking, and statistics checking.

Ngayong third week na, ibinalik na sa amin ang pinasa namin at 'yon nga ang magandang balita na aming natanggap. Puwede nang i-hardbound ang pinaghirapan namin!

Worth it ang pag-skip namin ng Valentine's Day para sa project na ito. Worth it ang lahat ng pinaghirapan namin. Worth it na worth it!

Kaya ngayon ay nakangiti kaming pumunta ng parking lot para makaalis ng campus. Ipapa-hardbound nga namin itong gawa namin!

Sakay sa kotse ni Raffy, tinahak namin ang daan papuntang Burgos Street, kung saan naglipana ang mga nagha-hardbound na establishments.

May nakausap na kaming store na kayang mag-hardbound ng isang dangkal sa kapal na librong gawa namin at ngayon ay nagbabalik na kami sa kaniya para ibigay ang mga papel. And I am not even joking when I said isang dangkal ang kapal ng librong ipapa-hardbound namin. That's how thick our study is. Kaya kailangan talaga namin ng celebration.

"O, ano? Saan tayo mamaya?" Habang abala ang salesboy na mag-compute ng halaga ng ipapa-hardbound namin ay tinanong ko na sila. Kanina sa kotse kasi, napag-usapan na mag-ccelebrate kami mamayang gabi.

"Sa condo mo na lang tayo, MJ, para maka-save at saka may bagong series ang Netflix ngayon, panoorin natin," ani Ferlen sabay akbay kay Belle.

Umismid ako.

"Ayaw n'yong mag-bar or The Palms man lang?"

Hindi naman sa ayaw ko sila sa condo ko, ang tagal ko na kasing hindi nakakapag-bar, e, nami-miss ko lang.

"Saka na lang kapag naipasa na talaga natin ang hardbound. Nakakapagod ang mag-brainstorm sa study na 'yan. Chill-chill na lang muna tayo, MJ," ani Louise.

Isa-isa kong tiningnan ang project study mates ko.

"Okay lang sa condo... kaso wala si Alice, walang magluluto ng pagkain natin."

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon