"Aesthetically Endangered"
She Leaves - 13
(23 DAYS BEFORE THE ENGAGEMENT)
Mapakla akong ngumiti sa likuran ng aking isipan.
I didn't even know he's on a business trip now. I thought it was last week. Wow.
Sabagay, wala naman akong karapatang magreklamo kung hindi ko malaman ang whereabouts niya. Wala naman siyang responsibility sa akin, hindi pa naman kami engaged, hindi pa kami kasal, kaya wala akong karapatang magalit kung bakit hindi ko alam na wala pala siya rito. I really thought he's just there on their milling company, experimenting new chemicals for their sugar corporation or whatever the Chemical Engineer do in that kind of company! Wala akong karapatang magalit at magreklamo talaga! Wala talaga! Walang-wala! Punyemas naman, Sonny!
Ni-text ba talaga ay hindi mo magawa? Kahit isang 'I'm out of town' message man lang, wala talaga? Wala? Sigurado na ba?
Tahimik ako sa buong oras na kumakain kami ng pananghalian. Ang mga pulitiko lang ang ma-iingay, nag-uusap siguro sa mga plano nila sa nalalapit na election at ang pagtatapos ng term ni Tito Sally.
Maski si Vad, tahimik din, pero minsan ay sumasagot naman siya 'pag tungkol sa mga proyektong konkreto ng ciudad ang pinag-uusapan. Pero over-all performance, tahimik talaga siya. Si Darry din, tahimik pero sumasagot din katulad ni Vad. Ako lang talaga yata ang sampid dito kasi hindi ko man lang naibuka ang bibig ko para magsalita. Nahihirapan nga ako sa pagkain ko, ang magsalita pa kaya?
"So, how's the preparation for the merging and the wedding, MJ?"
And I snapped. Para akong naibalik sa earth nang tawagin ni Tito Sally ang pangalan ko.
"P-Po, Tito? Hindi ko pa po alam ang mga details, Tito, nagpo-focus pa po kasi ako sa graduation ko po and after that, I'll be hands on with it, but it will always depends if Mama will allow me."
Mabuti na lang talaga at na-ituwid ko ang pag-iisip ko bago nakasagot kay Tito Sally.
'Yon lang ang naging usapan tungkol sa kasal, hindi na ulit nasundan dahil nasa ibang topiko na sila. Feeling ko rin na sinusubukan ng magkapatid na ilayo ang topiko sa kasal namin ni Sonny.
Kasal namin ni Sonny... Talagang ikakasal na kami.
Matapos ang tanghalian ay agad nagpaalam si Vad. Wala naman akong nagawa kundi ang sundin siya dahil siya naman talaga ang kasama ko ngayon. Magalang na nagpaalam ako sa kanilang apat.
Kalmado ang naging lakad ni Vad, tinutugonan ang mga empleyadong bumabati sa kaniya. Naglakad siya pabalik sa site. Inabot pabalik sa'min ang mga hard hat at mukhang balik trabaho na rin ang mga workers after their lunch break.
Nakatayo lang kami malapit sa lamesang pinaglagyan ng mga blueprint. May tent naman kaya hindi masiyadong mainit. Nakatingala si Vad sa building at eksaheradong bumuntonghininga.
"So... Engineer Sonny is it?"
Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko galing sa noo hanggang sa dulo nito.
"Yes..." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa isang worker na nagmamasa ng semento gamit ang pala.
"Bakit hindi mo sinabi sa'min?"
"I didn't tell anyone kasi ayokong mabulabog ang huling taon ko sa college," explanation ko. "And it was said na hindi sasabihin sa ibang tao until the engagement party."
BINABASA MO ANG
She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)
Fiction généraleMJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?