SL - 15

265 14 6
                                    

"I am a lesson to every boy I had in the past."


She Leaves - 15

(1 DAY BEFORE THE ENGAGEMENT)


I was like a zombie: barely alive, walking, talking, interacting with people.

I am in the state of information overload almost losing my sanity. I don't know what to do with that kind of information I just heard. Hindi ko alam paano manimbang. It's very new to me.

Hindi ko alam kung paano kami naghiwalay ng mag-jowa with a normal slate basta ang alam ko, naglalakad na kami ngayon ng mga magulang ko palabas ng airport. Kararating lang namin ng Negros from Manila and diretso kami sa bahay na nasa exclusive village ng kabisera. Nandoon na rin ang mga susuotin ko for tomorrow's graduation.

Dapat excited na ako ngayon. Dapat masaya na ako. Dapat makahihinga na ako nang maluwag. Pero hindi ko magawa kasi kahit anong palis ng masama kong iniisip, kahit anong pilig ng aking ulo, kahit anong sapaw ng ibang isipin, hindi talaga nawawala ang ipinakaing impormasyon ni Maj at Crisha sa'kin. I know it's not their intention to mention it to me kasi hindi naman nila alam na kay Sonny ako ipakakasal. Wala silang alam.

Hanggang sa makarating ako sa bahay namin sa kabisera at makahilata sa kama ko, ganoon pa rin ang nararamdaman ko.

Ang bigat-bigat, para akong may dalang isang sakong bigas na may isang drum na tubig sa loob. Sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi ko na nga alam kung saan ako unang mag-iisip, e. Hindi ko na alam.

I should be relaxing right now but it seems that what I did today: relaxing and pampering, were put into waste because of what I discovered.

I want to sleep. I want to relax my mind. I really want to pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko... ang larawang iyon ang tumatatak sa isipan ko, sinabayan pa ng iilang senaryo na firsthanded kong na-experience. That Cabalen Scene... that punyemas scene!

Bumangon ako at tinitigan ang phon ko sa side table. It lighted na sinundan ng panandaliang vibration.

May nag-text.

Pumikit ako nang mariin nang maaninag kung kanino galing text message. Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko to check the message.

Sonny:
Hindi ka raw um-attend ng meeting kanina?

Are you in Negros now?

See you tomorrow, aattend ako ng graduation mo. Good night :*

I massage the bridge of my nose and lock my phone, put it again on the side table, and stare at my toga na naka-hang sa wall ng kuwarto ko.

Ngayon lang siya nag-text. My last text to him was sent eleven hours ago, the hour I landed in the airport pagkarating ko ng Manila. I was also told na hindi rin siya naka-attend ng prenuptial agreement meeting. But that was fine kasi nga wala rin ako.

Pero... ganoon ba talaga kahirap mag-reply para umabot ng labing-isang oras bago makapagtipa ng mensahe? Ganoon ba talaga kahirap?

"Compose yourself, MJ, it's not the right time to poison your mind. Graduation day mo bukas for punyemas sake," mariing sabi ko sa sarili ko bago ako dahan-dahang humiga sa kama at pinilit ang sarili na matulog.

"Oh, bella ciao, bella ciao, bella ciao ciao ciao!"

Maligaya kong sinabayan ang kanta ng paborito kong series sa Netflix. Kahit hindi ko naman masiyadong maintindihan ang lyrics dahil nasa ibang lengguwahe ito, todo pa rin ang pagsabay ko sa bawat salita at lyrics nito.

She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon