"Wine can't cover it up for me. Punyemas!"
She Leaves - 16
(THE ENGAGEMENT PARTY)
Holy shit.
Punyemas.
Hijo Deputa.
Ano pa bang mura ang kayang magpawala ng sakit? My head is literally throbbing. Parang tinutusok ng karayom na halos tumibok na sa sobrang sakit.
Mariin kong ipinikit ang mata as if it can take away the throbbing pain. Pero walang nagbago kaya mabilisan akong bumangon at binalanse ang sarili nang makatayo at pilit in-adjust ang mata sa nagbabantang liwanag.
Una kong tiningnan ang bintana ng kuwarto ko pero close ang curtains nito. Halata naman sa maliliit na siwang na maliwanag sa labas at umagang-umaga na kahit hindi ko naman alam kung anong oras na.
Habang nakatayo pa rin sa gilid ng kama, wala sa sarili akong napatingin sa wall clock ng kuwarto.
11:22 AM.
Tanghali na pala?
Nang maka-recover kahit papaano sa sakit ng ulo ay inalala ko ang nangyari kagabi. Alam kong naglasing ako, nakipag-usap, sumayaw, nakipag-inuman, nakipagtagayan, hanggang sa malasing ako. Sigurado akong lasing na lasing talaga ako at inihatid ako ni Manong Bong.
Pero bakit sa condo? At bakit iba na ang damit ko?
Ipinilig ko ang ulo ko, baka sakaling mawala ang sakit ng ulo pero no progress.
I sighed and walk towards the door para makalabas na at para masagot ang mga tanong sa utak ko.
Pagkabukas ko ng pintuan, una kong tiningnan ang kusina nang may narinig akong kaluskok doon. Hindi rin kalaunan ay nakita ko kung sino ang nandoon.
Oo nga pala, nandito nga pala kahapon sina Alice at Erna para bantayan ang mga pamangkin ko.
Kumalma ang kaluluwa ko sa naisip. Baka silang dalawa lang ang nagpalit ng damit ko. It's not the first time, they've done this before. It was the twins' eighteenth birthday when I got so wasted that when I woke up the next morning, I really thought I'm at someone's, or rather a boy's, place and something happened to us dahil iba na ang suot kong damit at hindi ko na nakilala ang kuwarto ko kasi sakto ring tinanggalan ng drapes para labhan daw. 'Yon pala, nag-i-illusion lang ako.
Teka, sandali, speaking of lalaki... I remember a man last night. Was it Sonny? Did I saw Sonny last night?
I shake that thought away and pumuntang kusina para padarag na umupo sa dining chair. Diretso kong iniyuko ang ulo ko at nagreklamo sa sakit ng ulo.
"Good morning, Ma'am MJ!" Sabay na bati ng dalawa.
"Kape, Ma'am," sabi ni Alice sabay lapag ng mug sa table.
Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at inilapit sa'kin ang mug. I found peace when my cold hands felt the warmth of this coffee.
"Ma'am, ang tagal n'yo naman yatang nagising?" Tanong ni Erna.
"Sabi ni Madam, alas-dos daw darating ang mga magmi-make-up sa'yo," wika ni Alice.
Sa sobrang bangag ko, tumango ako sa mga pinagsasabi nila at diniretsong inom ang kape.
"Punyemas!"
Ang sakit!
Inilapag ko ka agad ang kape sa lamesa at halos bunutin ang dila sa sobrang hapdi ng pagkakapaso.
BINABASA MO ANG
She Leaves (Yutang Bulahan Series #1)
Ficción GeneralMJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?