Napataas sila ng mga kilay, jusko ang gaganda ng mga kilay neto tinalo pa ang kilay ng babae. Antaray nila. Kala mo naman ang sama samang tao ni Ezra.
"Yup, kilala namin siya" ani ni Drew. Nakatingin ng matalim kay Ezra habang sinasabi nito.
Napatangin nalang sa akin si Ezra. "ah yes, nagkalaro narin kami before" aniya.
Ahhh Oo nga naman.., same place ang pinaglalaruan nila imposibleng di sila magkakilala niyan, Di pumasok sa isip ko yun HAHAHAH.
Nagpaalam na si Ezra na babalik sa mga kaibigan niya. Okay na rin yun para makaiwas siya sa mga matatalim na tingin nila Drew.
Kinaway ko yung kamay ko sa harapan ng dalawa, kase ba naman sinundan pa ng tingin yung tao. "huy! grabe makatingin ah, tara na nga"
"hmmm, bro kwento nga natin kay Zhiee yung naita natin kanina" ani ni Drew sa likuran.
"oo nga noh, ano kaya magiging reaction ni Zhiee" dagdag naman ni Ethan"
Nararamdaman kong nakasunod parin sila sa akin.., mga Timang talaga tong mga toh, Kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan nila Aliyah.
"Thea Girl!! sino yung kausap niyo kanina?" tanong ni Allison.
"ah it's just Ezra, sabay kase kaming pumunta dito." simple kong sagot para wala na silang itanong pa.
"what?! Ezra? yung Badboy ba?" tumango lang ako.
"seryoso?! bakit kasama mo siya?"
"kaya nga di mo siya naalala? yung ginawa niya sayo?"
Sunod sunod na mga tanong.., sinasabe ko na nga ba eh. Kailangan per detail ang sasabihin sakanila para manahimik.
"nagkataon na nasa library rin siya.., hinihintay ko rin kase kayo baka naman kase daanan niyo ako pero hindi, kaya pupunta na sana ako pero sumabay siya"
Napa awang nalang mga labi nila. Nagtinginan pa sila, jusko mga may topa nga naman talaga.
"ano? okay na bang sagot yun?" iritable kong sabi. Tumango tango nalang sila.
Nanahimik na sila after nun, gaya ko nanood na lang rin sila.
***
After ng game, hinintay lang namin sila kase busy silang dinadayo ng mga fans nagpapapicture.., Hayst sanay na ako sa mga pa kapit kapit nila kay Zander, sa mga di nakaka alam na may GF na siya.
Yung mga fans naman na nakakaalam syempre alam nila limits nila. Di ko naman sinusungitan mga lumalapit kay Zander, Okay lang sakin basta huwag naman silang sobra.
Wala namang bago after ng game kakain kami, kaya ngayon sila Aliyah at Allison ang namili ng kakainan namin since wala naman yung talagang namimili ng kakainan
Kaso nga lang hindi kami magkakasya sa dalang sasakyan ni Zander.
"I'll call manong nalang, dun kami sasakay ng girls then kayong boys jan kay Zander"
"Hindi na. Aabalahin mo pa siya, dala ko naman yung sa akin eh" sabi ni Jake. ahh dala naman pala edi okay na, gora na.
Akmang sasakay na sana si Aliyah nang dali daling sumakay si Drew sa sasakyan ni Zander. "kila Zhiee na muna ako makikisakay" tsaka tumingin kay Ethan.
"wait, ako rin.., may k-kwento lang kami kay Zhiee" tsaka sumakay sa sasakyan. Pinanlakihan ko siya ng mata, wala kase si Zander dito nag CR. Nyemass talaga.
BINABASA MO ANG
Till I Met You (On-going)
Teen FictionShe knows she can't do anything now but to keep her head up and move on. But nothing can't be the same anymore, no one can be that 'person' anymore. But still, in her heart there is a whisper saying that future is a unfold mystery that she has to li...