Prologue
Sabi ng karamihan, ang high school life ang pinaka masayang taon. Hindi katulad ng elementary, nad'yan pa rin ang mga magulang para bantayan ang kanilang mga anak. Hindi rin ito katulad ng college dahil sobrang busy na ang mga students sa pag-aaral, wala nang oras para makapag-libang, in short, nakaka-stress!
Pero gaya ko, isang high school student, masasabi kong masaya talaga ang high school life. May mga nakilala akong mga masasaya at totoong kaibigan, mayroon namang mga pekeng kaibigan. May mga magagandang karanasan, mayroon namang pangit. May mga nakakahiyang experience, mayroon namang kakaiba at syempre nand'yan na 'yung 'crush-crush' thing dahil hindi naman ito maiiwasan.
Pero sa pag tungtong ko sa ikatlong taon ng high school, hindi ko inaasahang makilala ang isang lalaki, si ZESHUA.
Isa lang ang masasabi ko, we're ENEMIES!
Simula nung makilala ko siya ay nagbago ang lahat.
Ang dating payapa at masayang buhay ko sa high school ay napalitan ng inis tuwing nakikita ko ang lalaking 'yon!
Pero ang hindi ko inaasahan pangyayari ay noong bigyan niya ako ng sulat,
IKILYBIMY
Noong una, hindi ko 'to maintindihan pero nang magbago ang nararamdaman ko sa kanya, tsaka ko lang nalaman ang kahulagan ng mga letra.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...