Chapter 27

592 36 10
                                    

Her POV

"Class dismiss!"

Matapos sabihin 'yon ng last subject teacher namin ay mabilis kong itinabi ang mga gamit ko sa bag.

"Alis na ko," paalam ko sa kanila.

"Pupuntahan mo na naman?" bakas sa boses ni Sheryll ang lungkot.

Ngumiti lang ako at isinakbit ang bag sa balikat ko.

"Liyah," pagtawag pa nila sa akin.

"Okay lang." pilit ngiti ang ibinigay ko bago ko sila talikuran.

Saktong paglabas ko ng room ay sumalubong sa akin sila Lancer.

"Pupunta ka na naman ba sa kanila?" tanong ni Khing.

"Baka nakauwi na sila." Ngumiti ako sa kanila.

"Pero.." hindi na natapos ni Tom ang sasabihin dahil napabuntong hininga nalang ito.

"Una na ako," paalam ko sa kanila.

Ilang minuto akong naghintay ng jeep na masasakyan bago may huminto, agad ako sumakay dito.

Dalawang linggo na akong ganito, tuwing matatapos ang klase ay dadaretso ako sa bahay nila para abangan ang pagbabalik niya ngunit palagi akong nabibigo. Wala ni isang text akong natatanggap sa kanya, kahit man lang 'bye' ay wala.

Minsan naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganito ang ginagawa ko, pinapahirapan ko lang ang sarili kong maghintay ng taong posibleng hindi na bumalik pero wala akong magawa, mahal ko siya eh.

Ganoon naman tayo kapag mahal mo ang isang tao, maghihintay ka ng ilang segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, taon o kahit gaano pa katagal. Pero minsan sumusobra na, at dahil doon tayo pa ang nasasaktan, tayo pa ang napapagod.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay umupo muna ako sa semento malapit sa gate nila. Huminga ako ng malalim at tumingala sa langit upang humiling.

Sana pagbukas ng bahay nila ay si Zeshua na ang makikita ko.

Tinapangan ko ang sarili ko at tumayo, nag-doorbell ako. Maya-maya ay nakita ko ang paggalawa ng doorknob nila.

Please, sana si Zeshua na ang lumabas, please!

Pero gaya ng dati, bumagsak ang balikat ko nang makita si Manang. Dali-dali siyang lumapit sa akin upang pagbuksan ako ng gate.

"Ma'am pasensya na po, hindi pa po umuuwi sila Sir eh," sabi niya sa akin.

Pilit ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"Ma'am, hindi po ba kayo napapagod, araw-araw po kasi kayong dumadaan dito sa bahay?" tanong niya.

"Hindi ko alam Manang, ayokong dumating sa point na mapagod ako kahihintay sa kanya baka kasi sa pagod kong 'yon, mapagod na rin ang puso ko."

Tinignan ko siya.

"Mahal na mahal niyo po talaga si Sir," nakangiting saad niya.

"Hayaan niyo Ma'am, ganito nalang, ibigay niyo sa akin ang number niyo tapos tatawagin ko nalang po kayo pagnakauwi na sila para hindi na kayo mahirapan," suhestiyon niya.

Tumango ako at ibinigay ang cellphone number ko. Maya-maya pa ay napagpasyahan ko ang umuwi. Si daddy ang sumalubong sa akin pag-uwi ko.

Tinanong pa nga daw niya ako kung bakit mukhang matamlay daw ako at pagod. Hindi ko sinabi sa kanya na sa bahay ako ni Zeshua dumadaretso pagkatapos ng klase dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Alam naman nila ang nangyari sa amin, todo comfort pa nga ang ginagawa nila sa akin.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now