Her POV
"Ma alis na po ako!"
Itinigil ni Mommy ang ginagawa niya at tumingin sa akin.
"Huwag magpapagabi ah," bilin niya.
"Eh Ma, gabi na po ang tapos n'yon, mga 10 pm," giit ko pa.
"Eh basta, umuwi ka bago mag 10," giit naman niya.
"Sige po," nakangusong sambit ko.
Humalik muna ako sa pisnge niya at tumingin sa kapatid ko na busy sa paglalaro ng phone niya.
"Hoy, alis na 'ko," pagkuha ko ng atensyon niya.
"'Kay," simpleng sagot sa akin ni Elizander.
Napailing nalang ako bago lumabas ng bahay. Tumingin muna ako sa relo ko, mag 4:50 pm. May ten minutes pa ako bago mag start ang acquaintance party namin ngayon.
Nagsuot ako ng simpleng white stripped shirt na naka-unbotton dahil mayroon akong suot sa loob na black spaghetti strap at pinartneran ko ito ng maong pants with white shoes.
Agad akong dumaretso sa motor ko at pinaandar 'yon. Mabilis naman akong nakarating sa school. Nang maipark ko 'yon ay nag text muna ako kay Jorge. Kaagad naman akong nakatanggap ng reply.
Jorge Bakla:
Nandito na kami sa gym, teh! Kasama sila baby Zeshua!Nakaramdam ako ng kaba nang mabasa ko ang texy ni bakla. Bigla kong naalala ang nangyari kahapon.
Hindi kita crush kasi gusto kita.
Nagpaulit-ulit sa isip ko ang huling sinabi niya sa akin.
Sinabi niya ba talaga 'yon??
Lihim akong napangiti—eh! erase erase! Baka pinagtitripan lang niya ako!
"Uy!"
"Ay tae!" bulalas ko.
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Tom. Akala ko ba kasama siya nila Bakla?
"Uy nagpabango ako ah, hindi ako amoy tae," giit niya naman.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
"Kadarating ko lang." Ngumiti ito.
Napa-ahh nalang ako.
"Tara na," pag-aaya niya.
Tumango ako bago sumunod sa kanya.
"Bakit pala bigla kang nawala kahapon?" biglang tanong niya.
"Huh?"
"Pagkabalik kasi namin sa room niyo, si Zeshua nalang ang naabutan namin. Sabi niya bigla ka nalang daw tumakbo, ano bang nangyari?" he asked.
Muli kong inalala ang kahihiyang ginawa ko kahapon. Matapos kasi niyang sabihin 'yon ay bigla nalang akong tumakbo palabas, kasama yung bag ko at umuwi. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa 'yon, siguro nagulat lang ako sa sinabi niya.
"Maaga kasi akong pinauwe ni Mommy," palusot ko.
"Ganun ba?" Napatango nalang ako.
Saktong pagkapasok palang namin sa gym ay sinalubong na agad kami ni Jerome.
"Eliyah, buti nakita kita," hinihingal pa nitong sabi.
"Bakit?" I asked.
"Kailangan tayo ni Pres," aniya.
Tumango muna ako sa kanya bago humarap kay Tom.
"Mauna kana muna, Tom. May gagawin pa kami eh," sabi ko.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...