Last Chapter

741 39 11
                                    

Her POV

"Barcial, Lancer T."

Agad akong napalingon kay Sheryll na nakaupo sa may bandang likod ko.

'Bakla ko yan.' She mouthed.

Muli akong tumingin sa stage kung saan umakyat si Lancer. Nakipagkamay ito kay Principal Almariego at sa dalawang lalaking nakatayo doon bago tanggapin ang papel kung saan nagpapatunay na isa na siyang Junior High School Completer.

Today is our Graduation Day. Lahat kami ay naka-uniform at suot-suot ang toga. Sobrang saya sa feeling na ga-graduate kana pero nakakalungkot din dahil sa mga kaibigan, mga kaklase, mga guro at mga ala-alang maiiwan namin dito sa paaralan.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagtawag nila kay Bakla.

"Diaz, Jorge O."

Kumekendeng-kendeng pa ito pagtaas ng stage. Nang makuha ang papel ay nakipag kamay ito sa mga nandoon. Humarap sila sa photographer na nasa baba ng stage at ngumiti. Natawa naman ako nang nag-peace sign pa si Bakla.

"Laguerta, Zeshua C."

Mabilis akong lumingon sa kanya at sinundan ito ng tingin hanggang sa maka-akyat sa stage. Tinanggap niya ang papel at nakipag-kamay bago ngumiti sa camera.

Nahawa naman ako sa ginawa niya kaya napangiti na rin ako.

Bisugo ko 'yan!

"Nañez, Tom A."

Gaya nila ay umakyat din ito sa taas, kinuha ang papel at nakipag-kamay bago ngumiti sa camera.

"Mukha talagang aso," natatawang sambit ng katabi kong si Lairah.

Natawa nalang din ako at napa-iling.

"Villasante, Khing N."

Bahagya kaming natawa nang mag wacky ito sa camera matapos makipagkamay.

Nahawa na ata siya kay Bakla?

Natapos tawagin ang mga lalaki at kami nang mga babae ang sumunod.

"Mendrano, Lairah M."

Nakangiting naglakad si Lai paakyat sa stage, tinanggap ang papel at nakipagkamay sa nandoon. Humarap sila sa camera at matamis na ngiti ang ipinakita.

"Monteverde, Eliyah L, With Honors."

Napangiti ako sa narinig ko. Nakamit ko ang isa sa mga goals ko sa buhay, ang maka-graduate nang kasama sa achievers.

Nakangiti kong tinanggap ang papel at bahagyang tumungo para maisabit ang medalya sa akin.

"Congratulations," nakangiting sambit ni Principal Almariego.

Nakipagkamay ako sa kanya at nagpasalamat bago humarap sa camera. Ngumiti ako ng naaayon sa emosyong nararamdaman ko ngayon.

Lumagpas ang tingin ko sa camera at ganoon nalang ako napangiti nang makita ang pamilya ko, nakangiting pinanonood ako. Hindi nakalagpas sa tingin ko si Zeshua, gaya nila ay nakangiti din ito at mukhang proud na proud.

Bumaba ako sa stage at dumaan sa tapat nila mommy kung saan sila naka-upo. Ngumiti ako sa kanila at itinaas ang diplomang dala ko.

Nakita ko muna silang ngumiti bago ako dumaretso sa aking upuan.

"Soriano, Sheryll U, With High Honors."

Malakas na palakpakan ang narinig namin kasabay ang pagtayo ng kaibigan naming maliit.

Umakyat ito sa stage at tinanggap ang papel. Bahagya itong tumungo para maisabit ang medalya pagkatapos ay humarap sa camera at ngumiti.

"Congratulation, students!"

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now