Chapter 2

1.5K 53 16
                                    

Her POV

"Welcome back to school!" masiglang bati ko sa mga estudyanteng naglalakad.

Maaga kaming pinapunta dito sa RUF dahil bilang isa sa Student Council officers, inatasan kami ng aming moderator na mag bigay ng mga fliers sa mga students na nadaan, isang way para i-welcome ang mga bago at lumang mag-aaral ngayong lunes.

"Welcome back to school!" bati ko sa isang estudyante at ibinigay ang isang flier.

"Liyah!"

Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses, sila Sheryll. Sinalubong nila ako nang yakap.

"Mga teh! Ang gaganda natin!" puri ni Jorge at nagtatalon pa.

Kumalas kami sa pagkakayakap at nagtawanan.

"Mas maganda kami sa'yo, Mamsh!" biro ni Lairah.

"Oo nga, bagay na bagay sa'tin yung uniform," sabi pa ni Sheryll.

Pinagmasdan ko ang uniform na suot namin. Kulay maroon ang palda na may color gray sa bandang ibaba at hindi lalagpas ng tuhod ang haba, kulay white ang blusa namin na naka-tuck-in, hanggang siko ang sleeves nito at may logo ng RUF sa kaliwang dibdib.

"Pero pinaka maganda pa rin ako sa inyo," hindi nagpatalo ang bakla.

Simple lang din ang uniform ng mga lalaki, kulay gray ang pambaba nito habang ang polo nito ay may logo din ng RUF sa kaliwang dibdib.

"Hindi halata, bakla," natatawang sabi ko.

Natawa naman sila maliban kay Jorge na ngayon ay nakanguso sa akin.

"Oh, 'yan," Inabot ko sa kanila ang flier.

"Nasa likod n'yan yung number niyo sa raffle," dagdag ko.

"Hala sana mabunot ako!" ani Lairah.

"Oo nga, para makalibre ng lunch," sabi naman ni Sheryll.

Nag-aagawan pa sila ng flier nang sumingit na ako.

"Pumunta na kayo sa gym," utos ko.

"Ikaw, teh?" tanong ni Bakla.

"Tatapusin ko pa 'to," nginuso ko ang hawak kong papel.

"Oh, gora na kami!" paalam nila.

Tumango ako at saka ipinagpatuloy ang pamimigay ng fliers sa mga estudyante. Maya-maya ay naubos na din ang papel na hawak ko. Tumingin ako sa relong suot ko, 7:28 am.

"Eliyah, tara na daw sa gym sabi ni President."

Napalingon ako kay Jerome, ang SC Auditor, grade 9 din siya gaya ko. Tumango ako sa kanya at nagsimula kaming maglakad.

Nang makarating kami sa gym ay naabutan namin si Ms. Lucy Almariego, ang principal ng RUF, na nagsasalita sa gitna ng stage. Ang mga estudyante naman ay nakaupo sa mga bleachers. Natanaw ko din si President Jonathan kasama ang SC moderator namin na si Miss Christina Mendez.

"I hope you will enjoy this school year here in Razon University Foundation, have a nice day, Students!" pagtatapos ni Ma'am Almariego.

Bumaba ito sa stage at ibinigay ang mikropono kay Miss Christina, umakyat naman ang moderator namin sa stage at humarap sa unahan.

"Good morning again, students!" masiglang bati niya.

Biglang sumigla ang paligid pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang bulungan ng mga lalaking nasa tabi ko.

"Ang ganda talaga ni Miss."

"Oo nga! Ang sexy pa!"

"Ilang taon na ba si Ma'am?"

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now