Her POV
Nagising ako nang maramdaman ko ang paghawi nang kung sino sa buhok ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko ay ganoon nalang ang panlalaki nito nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
Z-zeshua?!
"Good morning," malambing na bati niya.
Napahawak naman ako sa bibig ko nang ma-realize ko na nandito nga talaga siya.
Mabilis akong napaupo muli sa pagkakahiga at kahit na malaya ako sa kanya ay mas lumayo pa ako, hindi pa naman ako nag hihilamos at baka may muta pa ako sa mga mata.
Bahagya pa itong natawa sa ginawa ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Dumaan ako dito sa inyo para sunduin ka," sagot nito sabay tayo.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko.
"Mamamasyal tayo," nakangiting sambit niya.
Nakaramdam naman ako nang excitement nang sabihin niya 'yon. Friday ngayon at wala kaming pasok dahil may seminar ang mga teacher.
"Sila Mommy?"
Tanong ko nang mapatingin ako sa wall clock, 7:15 na kasi. May pasok si mommy sa school ganoon din ang kapatid ko.
"Naka-alis na sila. Hinabilin ka nga nila sa akin," rinig kong sabi nito.
Talagang tiwala na sila kay Zeshua kahit na tatlong buwan pa lang nilang kilala ang lalaking 'to.
"O-okay," nahihiyang sambit ko sabay iwas ng tingin.
"Sorry."
Napatingin naman ako sa kanya nang marinig ko ito. "Bakit?"
"Naiilang ka ata," iwas tinging sambit nito.
"H-hindi naman. Hindi lang ako sanay na may ibang lalaki sa kwarto ko," mahinang saad ko.
Natigilan ito saglit at humakbang papalapit sa pinto ng kwarto ko.
"Sorry. S-sa baba nalang muna ako," saad niya at mabilis na lumabas.
Lihim akong napangiti nang makita kung paano ito mahiya. Cute.
Gaya ng sinabi niya ay naligo ako ng mabilis at nag-ayos ng sarili. I decided to wear a mustard strap top and black highwaist pants at white canvas shoes.
Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba, naabutan ko naman si Zeshua na nakatingin sa mga picture frames na nakalagay sa isang kabinet.
Agad akong tumakbo sa kanya at iniharang ang sarili para hindi makita ang mga litrato. Nakakahiya kasi, may picture ako doon nung bata ako na naka swimsuit.
"Ang cute mo pala nung bata ka," biglang saad niya.
"Cute pa rin naman ako ngayo ah,"giit ko.
Pinagmasdan niya ako saglit bago ngumiti.
"Hindi naman," iiling-iling pa niyang sambit.
Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya natawa lang ito.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" masungit na tanong ko.
"Magdi-date tayo."
"Tayo?" I can't the excitement in my voice.
Nakita ko itong tumango. Tumalikod naman ako sa kanya para hindi niya makita ang namumulang mukha ko.
"Nag-almusal kana ba?" pinilit kong hindi mautal.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...