Chapter 9

846 46 16
                                    

Her POV

Naging tahimik at payapa ang nagdaang mga araw ko dahil hindi na ako ginugulo nila Arabela. Mukhang tinupad niya na nga ang deal namin.

Pero may napansin ako, tuwing makakasalubong ko kasi si Zeshua, parang hindi niya ako nakikta. Tuwing magtatama naman ang paningin namin, balewala lang sa kanya, para ba akong isang hangin.

Dahil siguro 'yon sa nasabi ko sa kanya nung huli kaming mag-usap.

Bigla naman akong na-konsensya, pero mas mabuti na siguro 'yung ganoon.

Matapos kong magbihis ay tinuyo ko ang buhok ko. Sabado ngayon at ngayon din gaganapin ang activity na munting paaralan na punishment nam— ako lang pala.

Ang sabi ni Dean, apat na club president ang makakasama ko, si Insan. Si Miella, ang president ng Yes-O Club, si Nadya, ang YFL Club president at si Kassie, Academic Club President.

"Ate!" sigaw ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto ko.

"Oh?"

"Kuya Jonathan is here," sagot niya.

"Sige, pababa na ako!" sigaw ko.

Nagmadali ako sa pagbibihis at nang matapos ay agad akong bumaba. Naabutan ko naman sila Mommy at Insan na nag-uusap. Nang makita nila ako ay agad na lumapit si Mommy sa akin at piningot ang tenga ko.

"A-aray, Ma!"

"Ikaw bata ka! Bakit hindi mo sa akin sinabi na may sumusunod-sunod sayo ah! Kung hindi pa sinabi nitong pinsan mo ay hindi ko malalaman! Paano kung may nangyaring masama sayo ah?!" panenermon niya.

"M-ma..." daing ko.

Tinanggal naman niya ang kamay niya sa tenga ko kaya napahawak ako dito. Masakit!

Tinignan ko si Insan ng masama, ngumiti lang ito sa akin. Nai-kuwento ko kasi sa kanya yung nangyari nung pagka-uwi ko.

Bumaling naman ako kay Mommy.

"Eh kasi po, baka po mag-aalala po kayo kapag po sinabi ko pa po," magalang na sagot ko.

"Mas lalo akong mag-aalala sayo kung hindi mo sinabi. Paano kung na-kidnaped ka nung sinasabi mong sumusunod sayo aber?" giit naman niya.

"Sorry na po," nakatungong sambit ko.

"Ipapa-service nalang kita," sambit ni Mama.

"Po?!" angal ko.

"Para hindi ako mag-alala sayo kapag uuwi ka," dahilan niya.

"Ayoko po, para naman po akong kinder n'yan," angal ko.

"Hindi pwedeng hindi, Eliyah," banta niya.

"Pero Ma, tsaka dagdag pa 'yan sa babayaran natin. Gastos pa," giit ko pa.

"Bakit hindi niyo po siya pagamitin ng kotse para hindi kayo mag-alala kapag uuwi siya?" suhestiyon naman ng magaling kong pinsan.

"Pwede rin naman. Mas mabuti siguro 'yon, para na rin magamit mo yung kotse ng Daddy mo," sabi nito sa akin.

"Pero ayoko pong mag kotse," Umiling ako.

"Ano ba 'nak? Lahat na'y inayawan mo." naiinis na sambit ni Mommy.

"Motor nalang po," nakangiti kong suhestiyon.

"Bakit motor? Ayaw mo bang mag kotse?" tanong naman ni Insan.

"Ayoko, mahirap baka ma-stuck sa traffic. Mas madadalian ako kapag motor," saad ko.

Nagkabit-balikat lang siya. Tinignan ko naman si Mommy at mukhang okay lang din sa kanya.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now