Chapter 10

846 47 11
                                    

Her POV

Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko pa din magawang kalimutan ang mga huling salitang sinabi ni Zeshua.

But remember Eliyah, babawiin mo din ang sinabi mo sa akin. You'll thank me one day.

Mukhang recorded na ata ito sa utak ko, paulit-ulit ko nalang kasi naririnig yung huling sinabi niya, nakakainis!

Nadako ang paningin ko sa labas ng room, medyo makulimlim at mukhang uulan. Ibabalik ko na sana ang paningin ko sa teacher na nagtuturo sa unahan, pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Nakasandal ito sa railing ng balcony habang nakatingin sa akin?!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Ngumisi ito na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Miss Monteverde?"

Agad akong napalingon kay Ma'am Angel nang tawagin niya ako.

"Y-yes Ma'am?" Tumayo ako.

"Kanina pa kita tinatawag, ano bang tinitignan mo dyan?" tanong niya at saka tumingin sa labas.

Pero wala na si Zeshua. Binalik niya ang tingin niya sa akin.

"Sorry Ma'am," nakatungong sambit ko.

"Ano nga po ulit yung tanong niyo?" dagdag ko.

"Ano ang opportunity cost?" tanong niya.

Lumunok muna ako bago magsalita, mabuti nalang at kahit lumilipad ang isip ko ay naririnig ko pa rin ang itinuturo niya.

"Halaga po ng isang bagay na handang isuko upang makamit ang isa pang bagay," sagot ko.

"Parang pagmamahal ko sa kanya," sabat namang ng isa naming kaklase.

"Ohhh!" batos ng iba.

"Tahimik," utos ni Ma'am.

Napatawa nalang ako. Saktong pag-upo ko ay bigla naman akong siniko ni Jorge.

"Oh?"

"Anyare sayo, bakit tulaley ka?" tanong niya.

"May iniisip lang," tipid na sagot ko.

Kinunutan niya muna ako ng noo bago bumaling sa unahan.

Maya-maya ay natapos na din ang klase. Saktong pag-bell ay pumasok si Sir Jackson, science teacher namin.

"Good morning," bati niya.

"Good morning, ser!" bati naming lahat.

"Pupunta tayo sa lab dahil doon tayo magle-lesson. Dalhin niyo ang mga importante at mahahalagang bagay para hindi mawala," he said.

"Eh bakit ako, ser, nasa akin na siya pero nawala pa rin?" biglang sabi ni Cristoffer.

"Awww!"

"Baka kasi hindi mo iningatan kaya nawala," sagot naman ni Sir.

"Ohhhh!"

"It hearts!" sigaw pa ng isa.

"Anong it hearts! It hurts yun!" giit ng isa.

Napakamot lang ng ulo si Cristoffer at hindi na nagsalita.

"Oh, okay na ba?" tanong ni Sir.

"Wait lang po!"

Napatingin naman kaming lahat kay Joaquin. Lumapit siya kay Kristel, kaklase namin, at hinawakan ito sa kamay.

"Ano ba?" naiiritang sabi ni Kristel at pilit na binabawi ang kamay niya na hawak ni Joaquin.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now