Chapter 8

753 46 6
                                    

Her POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, bumungad sa akin ang mukha ng school nurse.

"Mabuti't gising kana, anong nararamdaman mo?" tanong niya sa akin.

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng pagkahilo.

"Nahihilo po," sagot ko.

Inalalayan niya akong makaupo sa kama kahit alam ko namang kaya ko.

"Ano pong nangyari?" tanong ko.

"Dinala ka dito ng mga classmate mo, nawalan ka raw ng malay dahil masyadong napalakas ang pagkakabato ng bola sayo," paliwanag niya.

Natandaan ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Tsk! Si Arabela ang may kagagawan nito!

"Kailangan mo munang magpahinga dito. Don't worry dahil naipagpaalam ka na ni Sir Jam sa kasunod mong klase," sabi niya sa akin.

"S-sige po," tanging sagot ko.

Tumango muna ito sa akin bago tumalikod, hinawi niya ang white curtain na nakapalibot sa amin at lumabas, narinig ko ang pagbukas ng pinto, maya-maya ay sumarado na ito.

Bigla naman akong nakaramdam ng uhaw. Dahan-dahan akong tumayo at hinawi ko ang puting kurtina. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat nang makita kong hindi lang pala ako nag-iisa dahil nandito si Zeshua na kahiga sa katabi kong kama.

Ano namang ginagawa n'yan dito?

Bahagya pa akong nagulat nang makita kong nakatingin din siya sa akin. Pinagmasdan ko siya at doon ko lang nakita ang paa niya na nakalagay sa dalawang magkapatong na unan, nakapatong din sa paa nito ang isang ice bag.

Anong nangyari sa paa niya?

"Tapos mo na ba akong titigan?" biglang sabi niya.

"Excuse me, hindi kita tinititigan 'no, wag kang asyumero!" sighal ko at muling bumalik sa pagkakahiga.

"Ako pala ang assuming, akala ko ikaw," aniya pa.

Inis akong napatingin sa kanya.

"At bakit naman ako naging assuming?" inis na tanong ko.

"Akala mo hahalikan kita, hindi diba?" he said while smirking.

Napahiya akong umiwas ng tingin sa kanya.

"So sabihin mo, sinong assuming sating dalawa?"

Hindi agad ako nakasagot.

"Mas assuming ka! Hindi kita tinititigan, tinignan lang, magkaiba yun," giit ko nalang.

"Kaya pala ang tagal," bulong niya pero narinig ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?" maan-maangang tanong ko.

"Clinic 'to," sagot niya.

"So?" taas kilay kong tanong.

"Are you blind or what? Injured ang paa ko," he answered.

"Eh bakit naman naging ganyang kalala, hindi ba ayos pa 'yan kanina?" muli kong tanong.

"Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mo," pagtatapos niya sa usapan.

Sungit!

Tumingala siya at nag krus ang dalawang braso habang nakapikit. Pasiring ko namang inalis ang tingin ko sa kanya at umupo sa kama.

Nakakauhaw naman.

Nilinga-linga ko ang ulo ko para maghanap ng tubig pero wala akong nakita. 

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now