Chapter 21

711 42 0
                                    

Her POV

"Anak, nandito yung manliligaw mo!" rinig kong sabi ni Mommy mula sa baba.

Mas binilisan ko ang paliligo. Matapos noon ay agad akong nag-ayos at nagmamadaling bumaba. Bumungad sa akin si Mommy, Elizander at si Zeshua na kumakain.

"Good morning, life." nakangiting bati sa akin ni Zeshua.

Nakaramdam namang ako ng hiya matapos niya akong tawaging 'life'. Umupo ako sa may bakanteng upuan, sa tabi niya pa! Hindi tuloy ako makasubo ng maayos.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako kila Mommy.

"Ma, alis na po kami."

"Eh paano pala pag-uwi mo, nak?" tanong niya.

"Ako na po maghahatid sa kanya pauwi," sabat ni Zeshua.

"Ay, good 'yan. Plus point! Mag ingat kayo," bilin ni Mommy.

Tumango kami at lumabas ng bahay. Nang sumakay ako sa motor niya ay inalalayan niya pa ako, parang di naman ako marunong mag-motor. Lumapit ito sa akin at isinuot ang helmet sa ulo ko.

Mukhang kailangan kong bumalik ng bahay at uminom ng maraming tubig!

Sumakay siya sa motor.

"Kumapit ka sa akin," sabi niya pa.

"Dito nalang ako sa likod kakapit," pagtanggi ko.

Nakita ko ang pagbagsak ng dalawang balikat niya. Bahagya itong humarap sa akin at kinuha ang mga kamay ko at ipinulupot sa tiyan niya.

"Sa akin ka lang kumapit," bulong niya pa bago paandarin ang motor.

Mabilis naman kaming nakarating sa school, nang mai-park niya ang mitor ay sabay kaming naglakad papuntang building.

"Ay nake-nake-nake! Ano yan teh ah! Aminin mo na teh, dali aminin mo na! Kayo na ni baby Zeshua ano??! Ano teh?!" salubong sa amin ni Bakla.

"Wag OA, bakla," pagpapakalma ko dito.

Nandito silang anim sa may balcony, sa labas ng room namin.

"So ano na nga teh? Kayo na?" pangungulit pa niya.

"Hindi pa," pagsagot ni Zeshua.

"Hindi pa tol, edi nililigawan mo?" tanong naman ni Khing.

Tumango lang siya.

"Hushuu!"

"Bagal mo talaga, tol. Naunahan pa kita!"

Naguguluhan akong tumingin kay Tom.

"Kami na ng pusa ko," sabay lingon kay Lai.

"Eh?" nanlalaking mga matang sambit ko.

"Kailan pa?" I asked.

"Well, nung isang araw lang." Nahihiya itong ngumiti.

"Sabi ko ligawan muna ako, sabi naman niya gagawin niya 'yon pag sinagot ko siya," nakangusong saad naman ni Lairah.

Natawa naman ako.

"Edi, kayo na may lovelife!" maktol pa ni Jorge.

"Gusto mo rin ba?" tanong pa ni Khing.

"Ayieeee—" sila.

"Ew!" Ako.

"Badtrip ka teh!" sabi sa akin ni bakla.

Nang marinig namin ang bell ay nagpa-alam na kami sa isa't-isa.

"Bye babe!" Si Lancer.

"Bye bakla!" Si Sheryll.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now