Her POV
"Totoo teh?!"
"Really?"
"Girlfriend niya si Arabela?!"
Isang mabagal na tango ang isinagot ko.
Nasa room kami ngayon, wala pang teachet kaya kinuwento ko muna sa kanila ang nangyari nung friday ng hapon at gaya ko, nagulat din sila.
"Baka naman china-char ka lang?" sabi pa ni Jorge.
Umiling ako.
"Pero sa dinami-dami ng pwede niyang i-jowa, si Arabela pa talaga?" hindi rin makapaniwalang sabi ni Sheryll.
"Okay ka lang ba?" Lairah suddenly asked.
"Oo naman," nakangiti kong sagot.
"Hindi ka nasaktan, teh?" tanong ni Jorge.
"Hindi. Bakit naman ako masasaktan?" sagot ko. Totoo naman eh.
"Syempre crush mo siya tapos nalaman mong may girlfriend siya at ang worst, yung fake friend mo pa," giit niya.
"Hindi talaga ako nasaktan. Nagulat at na-disappoint lang."
Oo, na-disappoint ako nung malaman ko na girlfriend niya si Arabela. Kung bakit, hindi ko din alam, siguro naawa ako kay Jace dahil parang nasasaktan pa din ito nung makitang naghahalikan sila. Hindi ko din alam kung bakit hindi ako nagselos o naiinis nang malaman kong mahala pa rin niya 'yung ababeng 'yun.
"Ang lande ng Arabela teh, matapos kay baby Jace, kay baby Zeshua naman," nakangiwing sabi ni bakla.
Natigil naman ang pagku-kwentuhan namin nang dumating si Ma'am May.
"Mamaya ay magkakaroon tayo ng picture taking para sa id niyo and now, I will give you five minutes para mag-prepare, pagkatapos ay pumila kayo sa labas in alphabetical order," anunsiyo niya.
Nagsigalawan ang lahat para mag-ayos at magpa-ganda.
"Teh! Pahinging liptint!" sabi ni Jorge kay Lairah.
"Pati blush on!" dagdag nito.
"Wait lang mamsh! Ako muna," sambit naman ni Lai.
"Mas maganda ako sayo kaya ako muna!"
"Eh? Ako nga ang muse kaya ako ang mas maganda sayo."
"Teh, kaya ka lang naging muse kasi hindi ako pwede pero mas kabog pa rin ang beauty ko kaysa sayo!"
"Manghihiram na ngalang, mang lalait pa," nakanguso namang sambit ni Lairah.
Natawa naman kaming dalawa ni Sheryll habang pinapanood namin ang dalawang mag-away.
"Oh, kayo mga teh? Hindi kayo mag-aayos?" baling ni Jorge sa amin.
"Pahiram nga ako."
Kinuha ni Sheryll ang blush on kay bakla at naglagay ito sa pisngi niya.
"Ikaw, Liyah?" alok ni Lairah dun sa blush on.
Umiling ako. "Allergic ako dyan."
Nagulat naman sila.
"Nung huli kasi akong lagyan ng make-up, nangati yung pisngi ko," sabi ko pa. Totoo yun.
"Hindi kalang sanay teh, halika lalagyan kita," pagpilit pa ni Jorge.
"Hindi na, magpu-pulbo nalang ako."
"Ay iba, natural peys ang labanan!" biro pa niya.
Natawa nalang ako. Kinuha ko ang pulbong dala ko sa bag at naglagay ako sa mukha.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...