Chapter 17

678 45 13
                                    

Her POV

"Congrats sa inyo mga sis!"

"Naks! Nanalo ka pa tol?"

"Ehem pakain naman dyan!"

Napailing nalang kaming tatlo at natawa sa reaksyon ng mga kaibigan namin.

Katatapos lang ng second subject namin at recess namin ngayon. Nandito kami ngayon sa may tapat ng room namin, wala kasi kaming balak na kumain pero nang ibalita namin sa kanila na nanalo kami sa writing contest na sinalihan namin, ayun biglang nagutom.

Hindi lang kaming tatlo ang nanalo kung hindi pati rin sila Ate Llen at yung ilan sa mga nakasama namin na lumaban pero may ilan ding hindi nanalo. First place ako sa Editorial Writing habang second naman si Sheryll sa kanyang sinalihan, ganoon din si Zeshua. Akalain mo 'yon, first time niyang sumali, nanalo na agad.

"Naku, nangangamoy libre!" parinig pa ni Tom.

"Sige na, libre ko," sambit ni Zeshua habang pailing-iling.

Dali-dali naman silang pumunta sa cafeteria ganoon din kami. Nang makarating kami doon ay um-order na ang mga lalaki at naiwan naman kaming mga babae kasama si Jorge.

"Lai, pansin ko lang, bakit parang hindi na kayo nag-aaway ni Tom?" biglang tanong ni Sheryll.

"H-huh, e-ewan ko din."

Umiwas siya ng tingin. Halata namang may tinatago ito.

"Hmm I smell something fishy," sabi naman ni Jorge habang nakahawak sa baba.

"Come on Lai, sabihin mo na," naiinip na sabi ni Sheryll.

"Ehh kasi...ano, h-hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, dati kapag magkakatitigan kami, sasamaan ko siya ng tingin tapos ganoon din siya pero ngayon, kapag magtititigan kami, naiilang na ako," pabulong niyang sambit.

"That's it! May gusto ka kay Tom!"

"H-hoy mamsh! Baka may makarinig sayo," pagpigil ni Lai.

"Hindi mo tinanggi, ibig sabihin may gusto ka nga kay Tom?" I asked while smirking.

Nahihiya itong umiling bago maya-mayang tumango.

"Kayo ah, may pa-away-away pa kayong nalalaman," Iiling-iling na sabi ng bakla.

"Well, since inamin na ni Lai na may gusto siya kay Tom. Ikaw ba Liyah, wala ka bang aaminin?"

Natigilan ako nang bumaling ito sa akin.

"Huh, anong aaminin?" tanga tangahang tanong ko.

"About you and Zeshua?"

Isang ngisi ang pinakawalan niya.

"Ay teh! May gusto ka na din kay baby Zeshua?" Jorge asked.

"Pssh! Ang ingay mo!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Nag-high five itong dalawa. "Confirmed!"

"Sabi ko na eh, parang may something kayo dalawang," sambit pa ni Lai.

Napa-face palm nalang ako. Napansin ko ang paglapit nila Khing sa amin habang dala-dala ang tray na may lamang pagkain.

"Kainan na!" anunsyo ni Tom.

Umupo ito sa may tapat ni Lai. Si Lancer naman ay sa tabi ni Sheryll habang si Khing ay sa tapat ni bakla, at si Zeshua, sa tapat ko.

Tahimik lang kaming kumakain. Hindi tulad ng dati, mag-aaway itong si Lai at Tom, magku-kwentuhan sila Lancer at Jorge, magtatawanan sila Khing.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now