Her POV
Malalakas na busina ang sumalubong sa akin nang makalabas ako sa subdivision namin. Traffic!
Mabuti nalang at naka-motor ako, madaling makasingit sa mga sasakyang nakahinto.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarating sa school. I-pinark ko ang motor ko at bumaba, tinanggal ko ang helmet na suot ko at inayos ang buhok ko.
"Good morni—"
"Ay palaka!"
Bahagya akong nagulat–oo bahagya lang, nang may magsalita sa likuran ko.
"Z-zeshua?" aniko nang makita ko siya.
"Dati bisugo, ngayon palaka. Ganyan ba kapanget ang tingin mo sa'kin?" Kumunot ang noo niya, bahagyang nakangiwi.
"Na.. nagulat lang," mabagal na saad ko.
Iniling ko ang ulo ko dahil hindi ko siya maiwasang pagmasdan.
"Good morning ulit," pag-uulit niya.
Napangiti ako, ng lihim.
Sinakbit ko ang bag ko at nagsimulang maglakad, naramdaman ko ang pagsabay niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang pag silay ng ngiti sa labi ko.
Nung mangyari yung sa Batangas, simula noon, parang ibang Zeshua na ang kasama ko, hindi yung masungit at tahimik dahil naging madaldal na 'to sa akin.
Dami talagang traydor ngayon. Akala mo kaibigan ang turing sayo, yun pala gusto ka.
"Saan kayo mamaya?" he asked.
"Sa eco park nalang siguro," sagot ko.
"Sige, sunduin namin kayo."
Ito na naman siya, bigla nalang magpapakilig.
Nang makarating kami sa building ay batid kong nasa amin ang tingin ng ibang mga estudyanteng nadadaanan namin lalo na nang makarting kami sa tapat ng room nila Arabela.
"Oh, look who's here," boses ni Nathalie.
"My ex friend whose flirting my ex boyfriend. What a coincidence," rinig kong sambit ni Arabela.
Napapikit ako sa aking narinig, ang ayoko sa lahat, yung hinuhusgahan ako nang hindi alam ang kwento ko.
"Tara na?" bulong sa akin ni Zeshua.
Tumango ako at pinilit na hindi pansinin ang mga sinasabi nila. Nang makarating kami sa tapat ng room ko ay nakahinga ako ng maluwag.
"Mamaya nalang," paalam niya.
Saglit ko siyang tinignan bago pumasok ng room. Nang maka-upo ako sa upuan ko ay kitang-kita ko kung paano ngumisi ang aking mga kaibigan.
"Sabihin mo, teh, kayo na ni Zeshua?" tanong ni Jorge.
Umiling ako.
Nung isang araw kami umuwi galing Batangas at kahapon, kinulit ako ng mga kaibigan ko kung ano daw ang nangyari sa amin. Syempre sinabi ko naman sa kanila at ayun, todo tili ang tatlo lalo na si bakla.
"Bakit?" tanong ni Sheryll.
"Eh, hindi naman nanliligaw," sambit ko.
"Ay kailangan pang ligawan, teh?" Si bakla
"Syempre naman!"
"Hindi na uso 'yon sis!" Giit niya
"Kasi ang mga uso ngayon, yung parang mag jowa pero wala namang label," iiling-iling na sambit ko.
"Tumpak!"
Napa-iling nalang ako.
Maya-maya ay dumating na si Ma'am May at nagsimulang magturo.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomantikThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...