His POV
"Mag-iingat ka, baby."
I smiled before I kissed her left cheek.
"Text mo 'ko kung may nararamdaman kang iba ah?"
Tinignan niya ako sa mga mata. I can't blame Mom, I know she is still worried about me kahit na pagaling na ako.
"Don't worry, malakas kaya ako." I tried to joke.
Niyakap niya lang ako.
"I don't want anything bad to happen to you, baby," I heard her.
"I know, Mom." Ngumiti ako.
"Take care, son." I heard Dad.
Tumango ako at isinakbit ang bag sa balikat.
"I'm going," paalam ko sa kanila at lumabas ng bahay.
Dumaretso ako sa kotse ko at pinaandar 'yon. Dad gave me this. Alam niyang pagbalik na pagbalik ko dito sa Pilipinas ay hindi na nila ako mapipigilan na puntahan palagi si Eliyah gaya ng ginagawa ko sa kanya dati.
Ilang minuto pa nang makarating ako sa tapat ng bahay nila. Napangiti ako nang manumbalik ng mga ala-ala namin.
Bumaba ako ng kotse para mag-doorbell. Kinabahan ako nang bumukas ang pinto nila at niluwa noon ang daddy ni Eliyah.
Akala ko si Tita.
"Magandang umaga po." I tried to make a good impression on him.
"Zeshua?"
Hindi ko pinahalata ang gulat ko nang sabihin niya ang pangalan ko.
"Ako nga po, Zeshua Laguerta po," pakilala ko.
"Julsen Monteverde, daddy ni Eliyah," pakilala naman niya.
Ngayon alam ko na kung kanino namana ni Eliyah ang matangos at magandang mata nito.
"Nice to meet you po," magalang na sabi ko.
Sinenyasan niya akong pumasok sa loob. Siya ang nagbukas ng pinto ng bahay, sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa kusina.
Agad na napunta ng mga mata ko kay Eliyah na ngayon ay gulat na gulat, lihim akong napangiti.
"Good morning, Tita," baling ko sa kanya.
"Zeshua?" Halata sa kaniyang mukha ang gulat.
"Ako nga po." Ngumiti ako.
"Pasensya na nagulat lang ako, hindi mo naman sinabing pupunta ka ng bahay, upo ka."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay magagalit sila sa akin dahil sa ginawa ko sa anak nila ngunit hindi nagbago ng pakikitungo nila sa akin.
"Hi, Zander." bati ko sa kanya at naupo sa tabi niya, kaharap si Eliyah. "G-good morning, life."
Hindi ko sinasadya na mautal ako sa harapan niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tita.
Umakyat ang kaba ko nang pagmasdan niya ako.
Nakita ko ang pagkurap nito, halatang gulat pa rin ang reaksyon, napailing nalang ito at muling kumain.
"Ang sabi ni Eliyah, kauuwi mo lang daw kahapon?" biglang sambit ni Tita.
Kinuwento pala niya ako sa kanila.
Tumango ako bilang pagsagot.
"Kakauwi lang po namin kahapon ng madaling araw galing Canada," I said.
"Bakit pala kayo umalis, ang tagal kang hinintay ni Eliyah?" tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/209754738-288-k8381.jpg)
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...