Chapter 13

739 50 6
                                    

Her POV

"Ano ba yung dedicate?"

"Diba yun yung kapag nilagyan ng glue, dedicate."

"Pfft hahahaha!"

"Ang corny mo tol!"

Nagsimula ulit silang magtawanan.

Nasa room kami ngayon magkakaibigan at hindi lang kaming apat, pati yung apat na lalaki ay nandito rin.

Hindi ko nga alam kung bakit namin kasama yung mga 'yon, pagka-akyat kasi namin ni Zeshua—ako lang pala dahil nauna na siya, nakita ko nalang sila Jorge kasama sila Khing dito sa room, nagku-kwentuhan.

"Oh ito, magtatanong ako tapos isa-isa kayong sasagot, ready?" Si Khing.

"Game!" Sila.

Napailing nalang ako. Hindi ko alam na ganito na pala nila ka-close ang isa't-isa.

"Kailan ang birthday niyo?" tanong niya.

Eh, getting to know each other?

"Ako! April 28, regalo ko ah!" biro ni bakla.

"August 2," Si Lairah.

"July 3," Si Sheryll.

Tumingin naman si Khing sa kaibigan niya.

"Kami rin?" pagtanong pa ni Tom sa kaibigan.

Tumango naman si Khing.

"September 16," sagot ni Tom.

"June 9," Si Lancer.

Tumingin naman si Khing sa akin.

"November 24," I said.

"Ikaw, Zes?" Tanong niya sa kaibigan.

"Hindi mo ba alam?" tanong naman ni Zeshua.

"Syempre alam ko, para din alam nila," sabay lingon sa amin.

"January 15," iling-iling nitong sagot.

"Ako naman!" presinta ni Tom.

"Sino ang crush niyo?" nakangising tanong nito.

Humarap naman siya kay Lairah.

"Si Anthony," matamis na ngiting sambit niya.

"Sino 'yon?" kunot-noong tanong ni Tom.

"Yung gwapong grade 10, sis. Model daw ata 'yon," pagsagot ni Bakla.

"Pshh, gwapo lang crush mo na," bulong pa nito.

Nagtaka naman ako sa ini-react ni Tom.

Humarap naman ito kay Sheryll at tumingin kay Lancer.

"Ikaw?" nakangising tanong niya.

"H-ha?" nauutal na sambit nito.

"Ako ang babe n'yan, huwag mo nang tanungin," pagsingit ni Lancer.

"Edi ito nalang, kayo na ba ng kaibagan ko?" muling ngumisi si Khing.

"Hindi pa, hindi pa niya ako nililigawan eh," sagot ni Lancer.

"Siya pa talaga ang manliligaw?" natatawang sabat ni Tom.

"Syempre kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa akin," sambit niya sabay sulyap kay Sheryll.

"Iba ka teh, ikaw na may love life!" inggit na sabi ni Jorge.

"Ikaw naman Jorge, sino ba ang crush mo?" tanong naman ni Tom.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now