Chapter 7

774 45 8
                                    

Her POV

"We will be having our PE today," panimula ni Sir Jam, Mapeh teacher namin.

"I will give you five minutes para magpalit ng damit pagkatapos ay dumarecho na kayo sa gym."

Tumango naman kaming lahat at nagsimulang mag-sigalawan.

"Tara, beh." aya ni Lairah habang hawak ang kanyang white t-shirt.

"Sabay na tayo magbihis," dagdag naman ni Sheryll.

Tumango ako at binuksan ang bag ko upang kuhanin ang t-shirt na dala ko pero wala akong nakitang damit.

Hala! Nakalimutan ko atang magdala!

"Ah, una na kayo sa CR, susunod nalang ako." 

"Oh sige, bilisan mo ah," sabi pa ni Sheryll.

"Sige," Tumango ako.

Pinanood ko silang lumabas ng room kasabay ang ilang classmate namin. Agad akong pumunta sa may locker ko sa labas ng room, ang alam ko kasi ay may extra t-shirt akong nakalagay doon.

Napatili ako nang buksan ko ang locker ko ay saktong bumungad sa akin ang isang ipis at lumipad sa mukha ko. Agad na nanlaki ang dalawang mga mata ko nang makita ko kung anong nangyari sa locker ko. Napakadaming langgam!

Mabilis kong tinanggal ang mga librong nandoon pati na ang t-shirt na natadtad na nang butas dahil sa mga langgam!

Nang matanggal ko ang lahat ng langgam ay saka ko muling inilagay ang mga gamit, tinignan ko naman ang t-shirt na nandoon, mukhang hindi ko maisusuot 'yon dahil puro butas na.

Pero bakit naman kaya nagkaroon ng langgam sa loob ng locker ko, hindi naman ako nag-iiwan ng pagkain ah?

I let out a sighed.

Ano na ang isusuot ko? Baka naman may extrang dala sila Lai?

Bumalik ako sa loob ng room at hinalungkat ang bag ni Lairah at Sheryll pero bigo ako, wala silang extrang dala. Hindi pwedeng hindi kami magpalit ng damit dahil mapapagalitan kami at hindi papasalihin sa laro, hindi naman pwedeng hindi ako mag-laro dahil para sa grades 'yon.

Well, wala na akong choice kung hindi suotin ang damit na nasa locker kahit butas-butas. Bumalik ako sa may locker ko upang kuhanin ang damit pero bago ko pa mabuksan ang locker ay may nakita akong isang puting damit sa taas nito. Kinuha ko 'yon at tinignan.

"Kanino naman kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko.

Luminga-linga ako upang hanapin kung sino ang maaaring may-ari nito pero wala akong nakita ni isa sa hallway. Hindi naman siguro magagalit ang kung sino man ang may-ari nito kung hihiramin ko muna. Nagkabit-balikat ako at dumarecho sa may CR ng babae, pagkatapos ay dumarecho na agad ako sa gym.

Sumalubong sa akin ang mga classmates ko at ang dalawang section. Yes, kasama namin sila sa laro dahil sila ang makakalaban namin.

Dodge Ball o mas kilala na batong bola ang aming lalaruin at bawat section ang magkakalaban, kung sino ang manalo ay may plus twenty sa examination next week, habang ang matatalo naman ay may plus five pa din.

"Teh dito!" Agad akong napalingon sa boses ni Jorge.

Nakita ko ang mga kaibigan ko pati ang ka-section ko sa kaliwang bleachers habang sa kanan naman ang section nila Arabela at sa gitna ang section nila Jace. Tumabi ako kay Jorge.

"Ang tagal mo naman teh!" sabi pa niya.

"Oo nga, bakit?" Sheryll asked.

"Long story," tipid kong sagot.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now