Chapter 24

589 32 1
                                    

Her POV

"Mga teh, bilisan niyong magbihis!"

Dali-dali kong sinuot ang white t-shirt nang marinig ang mataas na boses ni Jorge mula sa labas ng restroom.

"Saglit lang naman, bakla!" sigaw ko nang marinig ang pagmamadali nito sa amin.

"Oo na. Bakla na nga eh!" rinig ko pang sabi niya.

Napa-iling nalang ako. Narinig ko ang pagtawa ng dalawang kaibigan ko mula sa labas.

Nang makapag-ayos ako ay lumabas na ako ng cubicle. Naabutan ko sila Sheryll at Lairah na nag-iipit ng buhok.

Inilapag ko muna ang pinampalit na damit ko sa may patungan at nag ipit na rin ng buhok.

PE namin ngayon at binigyan kami ni Sir Jam ng time para magpalit ng damit. Nang matapos ay lumabas na kami.

"Tagal ah!" sambit pa ni Bakla.

Pumunta muna kami sa may room para ilagay ang damit na dala namin at dumarecho na sa gym.

"Kasama pala natin sila bebe Khing!" kinikilig na sambit ni Bakla.

Naandito nga ang dalawa pang section. Kung ganoon makakasama ko si Zeshua. Nice!

"Babe!"

Napalingon kami sa likod nang marinig ang boses ni Lancer.

Tumakbo ito kay Sheryll at yumakap.

"Parang kanina lang nung magkasama kayo ah," biro ko pa.

Natawa nalang si Sheryll.

Lumapit naman si Tom kay Lairah.

"Oh, yayakap ka rin?"

Nakangiting tumango naman si Tom.

"Gusto mo kurot?" taas kilay na tanong niya.

Napanguso nalang si Tom. Parang bata!

Asan naman kaya yung bisugon 'yon?"

"Asan yung isda ko?" I asked.

"Oo nga, kasama lang namin si Zes kanina ah," narinig ko si Khing.

Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin ito pero hindi namin siya nakita.

"Students!" pagtawag sa amin ni Sir Jam.

Pumila naman kami by section at nakinig sa sasabihin niya.

"Ngayong araw na 'to, magkakaroon tayo ng physical assessment test. Isusulat niyo ang magiging result at oras sa one fourth na pinadala ko kanina. So by pair, kahit sino ang gusto niyong maging kapartner kahit sa ibang section. Now proceed!"

Agad naman silang nagkagulo sa paghahanap ng partner. Ka-partner ng mga kaibigan ko ang mga boyfriends nila at si bakla naman at Khing.

Asan na si Zeshua?

Kinapa ko ang bulsa ko para kuhain ang papel ko pero wala akong nakapa.

Nakalimutan ko ata sa room!

"Guys, balik muna ako sa room," paalam ko sa kanila.

"Bakit teh?" Jorge asked.

"Nakalimutan ko yung papel ko," sabi ko.

Tumango naman sila kaya nagsimula akong maglakad pabalik ng room. Nang makarating ako ay agad kong kinuha ang papel sa may lamesa ko at lumabas na.

Pero ganoon nalang ang panlalaki ng dalawang mata ko nang makita ko sa di kalayuan si Zeshua at si Arabela na magkayakap!

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now