Her POV
"Aalis na tayo," anunsiyo ni Ma'am May.
I silently pray para ligtas kami sa buong biyahe. Ganito lagi ang ginagawa ko tuwing aalis o magbi-biyahe kami. Kinuha ko ang phone ko para i-text si Mommy. Pagkatapos noon ay itinabi ko na rin ito.
Bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Napapikit ako nang maalala na hindi pala ako nag-almusal, wala pa naman akong dalang pagkain.
Napatingin ako sa katabi ko na busy kagagamit ng cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang tiyan ko. Nakakahiya man pero gutom na talaga ako!
"Nag-almusal ka ba?" tanong ni Zeshua.
Nahihiyang lumingon ako sa kanya bago dahan-dahang umiling. May kinuha ito sa bag at inabot sa akin ang isang sandwich.
"Here," abot niya sa akin.
"Hindi na," pagtanggi ko pero sa totoo, gusto ko talagang kunin.
"Sige na. Para sayo talaga 'yan."
Napatingin ako sa kanya. Para sa akin??
"Hindi ko alam pero bigla kitang naisip pagdalhan n'yan, baka kasi hindi ka nag-almusal o bigla kang magutom," dagdag niya.
Nahihiyang kinuha ko ang sandwich at kinain.
"Salamat."
Maya-maya pa ay naisip kong mag sounds, mabuti nalang at dinala ko ang earphone ko. Sinalampak ko iyon sa tenga at nakinig ng music. At 'yon na naman yung kanta,
Sa'yong mga halik
Sa'yong mga pisngi
Dumadampi ang labi na walang kasing tamis🎵🎶🎶Sa init ng yakap
Natutunaw ang puso
'Di ba halata na ako'y adik na sayo🎵🎶🎶Bigla nalang tinanggal ni Zeshua ang pares ng earphone ko na nakalagay sa kaliwang tenga ko at inilagay sa kanang tenga niya.
"Pa-share."
At dahil nahigit 'yon ay nahigit din ang kabilang pares ng earphone ko kaya napalapit ako sa kanya. Biglang tumindig ang mga balahibo ko nang magdikit ang pisnge namin.
Hindi agad ako nakagalaw nang naramdaman ko ang paggalaw ng ulo niya sa direksyon ko kaya tumama ang matangos na ilong niya sa pisnge ko.
Sa'yong mga halik
Sa'yong mga pisngi
Dumadampi ang labi na walang kasing tamis🎵🎶🎶Sa init ng yakap
Natutunaw ang puso
'Di ba halata na ako'y adik na sayo🎵🎶🎶Bigla akong kinabahan, bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako nakagalaw.
"Sorry," he whispered.
Nang matauhan ay mabilis akong lumayo sa kanya at umayos ng upo. Hinayaan kong nasa kanya ang kabilang pares habang sabay kaming nakikinig ng kanta. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
"Eliyah."
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa aking pisnge. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang gwapo–este bisugong mukha ni Zeshua.
"Malapit na tayo," aniya.
Doon ko lang nalaman na nakapatong pala ang ulo ko sa balikat niya, umayos naman ako ng upo.
"Sorry."
I heard his soft chuckle.
"Nandito na tayo sa Batangas. Sa convention muna ang baba natin para sa opening ceremony," anunsiyo ni Ma'am May.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...