Her POV
"Hoy Zes! Tignan mo oh!"
Napatingin ako sa dalawa nang ibigay ni Tom ang phone niya kay Zeshua.
Nandito kami ngayon sa may Eco Park. Walang kaming klase ngayong umaga dahil nagkaroon ng emergency meeting ang lahat ng teachers.
"Tignan niyo teh!"
Ipinakita ni bakla ang phone ni Tom sa amin at nakita namin doon ang post ni Arabela at may caption na 'Ako nga pala ang sinayang mo'.
Napangiwi ako, siya pa talaga ang may lakas ng loob na magsabi n'yan.
"Para sayo ba 'to o kay Jace?" tanong ni Lai kay Zeshua.
Nagkabit balikat lang ito bago muling uminom ng coke. Mukhang wala na siyang pakielam sa ex-girlfriend niya.
"Grabe maka-caption ng 'ako nga pala ang sinayang mo' bakit, bigas ba siya?"
Natawa naman sila sa sinabi ng bakla.
"Teka Eliyah, hindi sabi mo, dati may sumusunod sayo?" baling sa akin ni Sheryll.
"Hmm," Tumango ako.
"Pero simula nung mag-motor ako, hindi ko na siya nararamdaman," dagdag ko.
"Hala baka naman holdaper o kidnaper!" Naka-hawak pa sa bibig na sabi ni Lancer.
Natawa nalang kami, hindi pa rin talaga maaalis sa kanya ang pagiging malambot, pero kapag may lalapit na lalaki dito kay Sheryll lalo na kapag naka-aligid si Jarrel, nagiging lalaki itong si Lancer.
"Di na safe umuwing mag-isa, baka oras na para ihatid kita sa inyo?" biglang naging lalake ang boses nito habang sinasabi 'yon kay She.
"Baka ikaw pa ang ihatid ko sa inyo," saad naman ni Sheryll sa kanya.
Kinantsawan naman sila ng mga kaibigan namin.
Maya-maya ay may biglang lumapit sa amin. Sila Alex at Simoun, members din ng Gazette Club.
"Eliyah, Sheryll at Zeshua, may meeting daw ang JG ngayon. Pinapasundo kayo ni Miss Pres," bungad na sabi nila.
Nagpaalam muna kami sa mga kaibigan namin bago sumunod sa dalawa. Nakarating kami sa aming club room, nakangiting sinalubong naman kami ng ibang mga officers.
"Good morning Gazetteers!" paunang bati ni Ate Llen.
"May announcement kami para sa inyo," sabi naman ni Kuya Syd, ang Associate editor ng JG.
"Bukas ay magkakaroon ng Dividion School Press Conference or DSPC at gaganapin 'yon sa Artemis Academy. Taon-taon ay meron tayong nagiging representative para lumaban at ngayon, sasali ulit tayo at ire-represent ang RUF," saad ni Ate Ziann, ang Internal Managing Editor ng club.
"So ngayon, ibibigay ko sa inyo ang categories na lalabanan niyo at base 'yon sa mga dating nilabanan niyo at kung saan kayo magaling," ani Ate Llen.
"Para sa Science and Health secondary, Sheryll Soriano," Tumingin ito kay Sheryll.
"Panalo na 'yan," bulong ko sa kanya.
Napa-iling nalang ito sa kanya. May ilan pang pangalan ang natawag bago ko marinig ang aking pangalan.
"Si Eliyah naman para sa Editorial Writing secondary," Bumaling ito sa akin.
Napangiti naman ako bago tumango. Apat na tao na akong lumalaban at nagsusulat ng Editorial, at kada taon ay nanalo naman ako.
"Ako, si Simoun at si Zeshua naman para sa photojourn," baling ni Kuya Syd sa dalawa.
"Bukas na ang laban kaya hindi na tayo makakapag-training, pero pwede naman kayong mag-practice sa bahay, magbasa-basa din kayo ng mga articles at balita na pwedeng i-topic sa contest," suhestiyon ni Ate Ziann.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...