Chapter 30

744 38 4
                                    

Her POV

Ramdam ko pa rin ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko nang magising ako.

Naiinis ako sa kanya dahil hindi man lang niya sinabi sa akin na may sakit pala siya. Ni hindi ko man lang alam na maaari ka palang mawala sa akin kahit anong oras.

Nakarinig ako nang pagkatok nang kung sino. Agad kong pinunasan ang aking pisnge.

"Ate?"

"Eliz?" I asked.

Akala ko ay magagalit ito dahil sa tinawag ko sa kanya ngunit hindi ito sumagot at pumasok nalang sa loob ng kwarto ko.

Bastos lang?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Daddy told me what happened."

Umiwas lang ako ng tingin.

"I know kuya Zeshua, he's good and strong. You should give him a chance," aniya.

"Nasaktan ka Ate pero mas masakit ang naranasan niya, nilabanan niya ang sakit niya para sayo," dagdag nito.

Kapatid ko ba 'tong kausap ko?

"Paano mo nasasabi ang mga 'yan?" takang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang ito bago lumabas.

"Kumain ka na daw!" dagdag pa niya.

Saglit akong napatulala at iprinoseso sa utak ang lahat nang nalaman ko.

Biglang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito.

Bakla calling....

Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

[Good morning teh!]

"Good mood ka?"

Umupo ako mula sa pagkakahiga at niyakap ang malaking unan na nasa paahan ko.

[Yes naman teh!]

"Oh, bakit ka napatawag?"

[Nagyaya si bebe Khing, may gala raw mamaya, sama ka?]

"Saan?"

[Basta, mamaya ko na sasabihin!]

"Sige na."

[Kitakitz mamaya teh!]

Binaba niya ang tawag. Gusto ko sanang itanong kung kasama rin si Zeshua.

Bumaba na muna ako para mag-almusal. Sabado ngayon kaya walang pasok.

Nakita ko sila daddy na kumakain.

"Good morning."

Umupo ako sa tabi ni Elizander at nagsimulang kumain.

"Good morning, baby," bati naman ni daddy at nilagyan ako ng sinangag sa aking pinggan.

"Kamusta kayo ni Zeshua?" biglang tanong ni Mommy.

Hindi agad ako nakasagot.

"Give him a chance to explain, Eliyah," dagdag niya.

"Told you," sabat ng kapatid ko.

"Tandaan mo, lumaban siya sa sakit niya para lang makasama ka ng matagal," seryosong sambit ni Daddy.

Tama naman sila, siguro nagulat lang ako sa narinig ko kahapon kaya ganoon ang naging reaksyon ko.

"Salamat po."

Ngumiti ako at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"Aalis po pala ako ngayon," paalam ko.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now