Chapter 22

722 41 0
                                    

Her POV

Nagising ako nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko. Nakapikit kong inabot iyon at sinagot nang hindi ko tinitignan kung sino.

"Hello?"

[Sorry, nagising ba kita?]

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses. Tinignan ko ang screen ng phone ko pero number lang ang nakalagay dito.

"Sino 'to?" I asked.

[I'm sad, you did not save my number.]

Nagising ang diwa ko nang makilala ito.

"Lexi?"

[Happy birthday, Eliyah!]

Napangiti ako.

"Thank you, Lexi. Sorry hindi kita nakilala," natatawang saad ko.

I heard her laughed.

Lexine is my elementary best friend. Matagal na kaming hindi nagkikita dahil sa paglipat ng pamilya ko dito kaya sa tawagan nalang kami minsan nagkaka-usap.

[No, worries. Save mo na number ko.]

"Opo, opo." I laughed.

[Do you have a boyfriend? Balita ko meron na raw.]

"Manliligaw pa lang." I chuckled.

[Edi parehas na pala tayo.]

"Besties talaga!"

We laughed together.

[Miss na kita. Uwi ka naman dito.]

"Don't worry, makakapag-bonding din tayo."

Maya-maya ay natapos na rin ang tawag dahil may klase pa rin daw siya. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at kumuha ng damit.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang hindi mapakanta. Mabilis kong tinapos ang paliligo ko at pagkatapos ay nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili.

Nang tumunog ang cellphone ko ay mabilis ko iyong kinuha upang tignan kung sino ang nag message.

Sana si Zeshua!

At si Zeshua nga! Binuksan ko agad ang message na pinadala niya.

From: Bisugo
Good morning, life, sorry hindi kita masusundo ngayon. Ingat nalang pagpasok mo!

Bumagsak ang dalawang balikat ko matapos ko itong basahin. Akala ko pa naman babatiin niya ako tapos hindi niya pala ako susunduin!

Nakangusong lumabas ako ng kwarto at dumaretso sa kusina. Naabutan ko naman sila Mommy at Elizander na kumakain.

"Happy Birthday, nak!" bungad na bati sa akin ni Mommy.

Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Happy birthday, Ate," bati sa akin ng kapatid ko.

"Salamat," sabi ko at ginulo ang buhok nito.

"Stop it!" suway niya.

Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain, nakita ko ang pagtayo ni Mommy. Maya-maya ay bumalik ito na may dalang cellphone.

"Happy birthday, baby," boses ni Daddy.

Tumayo naman ako at lumapit kay Mommy, ka-video call niya si Daddy.

"Salamat, Dy!" masiglang sabi ko.

"Pag-uwi ko na yung regalo ko sayo." saad niya.

"Sige po," sabi ko.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now