Her POV
"Eliyah, tawag ka!"
Agad naman akong napalingon sa isa sa mga classmate ko na tumawag sa akin. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pumunta sa may pintuan ng classroom namin.
Nakita ko naman si Ate Llen na nakatayo. Agad ko siyang nginitian at nilapitan.
"May kailangan po ba kayo?" I asked.
Tumango ito.
"May ico-cover na event ang Gazette mamaya at ikaw ang in-assign ko bilang facts gatherer sa language fest na gaganapin ngayon. Don't worry dahil may makakasama ka naman sa task mamaya," paliwanag niya.
"Sino po?" tanong ko.
"Si–oh, ayan na pala siya," sabay turo niya sa may likuran ko.
Agad naman akong napalingon.
"Zeshua?" gulat kong sabi.
Bahagya itong ngumiti bago humarap kay Ate Llen.
"Siya ang makakasama mo mamaya. Dapat ay si Katrina, yung photojournalist natin kaso hindi makakapasok kaya si Zeshua nalang ang pinalit namin. Nagti-take din kasi siya ng pictures," saad nito.
"Kasali po siya sa club?" tanong ko sabay baling kay Zeshua.
"Yes. Siguro hindi mo siya nakita dahil late na siyang nagpalista," Ate Llen said.
Ibig sabihin, makakasama ko siya mamayang hapon? Napangiti naman ako.
"By the way, baka mga six ang tapos ng event mamaya. Magpa-alam na kayo sa parents niyo dahil baka gabihin kayo," bilin pa niya.
Tumango kaming dalawa.
"Sige, see you later!" paalam nito.
Dahan-dahan naman akong lumingon sa katabi ko.
"Ah..mamaya nalang," paalam ko sa kanya.
Saglit niya akong tinignan bsgo ngumiti. Simpleng ngiti lang, ang lakas pa din ng dating. Napabuntong hininga ako, ano bang nangyayari sa akin ngayon?
Nang makapasok ako sa room namin ay sumalubong sa akin ang malakas na ingay ng mga kaklase ko. Wala kaming klase ngayon dahil sa preperation para sa gaganapin mamaya at as usual, may kaniya-kaniyang mundo na naman ang mga tao dito sa loob.
Nakapalumbabang pinanood ko ang mga kaibigan kong nagku-kwentuhan.
"Anong score niyo sa math kanina?" Sheryll asked.
"Twelve over thirty," kamot sa ulong sagot ni Lairah.
"Ikaw Jorge?" baling niya kay Bakla.
"Ah... 5," nahihiya pang sagot ni Bakla.
"Five lang? Ganoon ba kahirap ang math?" biglang tanong ni Lai.
"Ay! maka-five teh, nataasan mo lang ako ng seven points!" giit ni Bakla.
"Akala ko ba magaling ka sa math?"
"Oo magaling kami sa math. Nasa dugo nga namin 'yon," pagmamayabang pa ni Jorge.
"Eh bakit five ka lang sa quiz kanina?" nakangising tanong pa ni Lai.
"Sabi ko nga diba, nasa dugo lang namin ang pagiging magaling sa math," sabay tawa ng malakas.
Napa-iling nalang kami.
"Eh ikaw, teh?" baling niya sa akin.
"24 lang naman," pagmamayabang ko rin.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...