Her POV
Ngayong araw ang start ng Intramurals at kanina pa nasimulan ang opening remarks. Ngayon naman ay kasalukuyan ng nagsimula ang Bench Cheering Competition.
Nandito kami ng mga kaibigan ko ngayon sa isang room para ayusan ang lahat ng mga candidates para sa Ms. Intrams, sa kabilang room naman ang candidates ng Mr. Intrams.
Sobra sa sobra ang kabang nararamdaman ko. First time kong sumali sa ganitong pageant kaya ganoon nalang siguro ang nararamdaman ko.
"Chill ka lang sis, ang dyosa mo kaya!"
Gumaan naman ng konti ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Jorge.
"Oo nga beh, how to be you po?" sabi pa ni Lairah.
"Kaya mo 'yan, Liyah," pag-cheer naman ni Sheryll.
Nginitian ko silang lahat.
Kakamutin ko na sana ang pisnge ko nang makaramdam ako ng kati pero pinigilan ako ni bakla.
"Baka masira ang make-up, teh. Tiis ganda muna," sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako.
Bigla kong naalala na si Arabela pala ang makakalaban ko at si Jace naman ang makakalaban ni Zeshua, sila ang representative ng Red Bomber.
Sports wear ang attire naming mga lalaban. Naka pang-boxing attire ang Blue Victors habang pang surfing attire naman sa Red Bombers, pang-tennis ang Yellow at Archery ang Green.
"We will start in five minutes!" Anunsiyo ni Ate Jill.
Mas lalo akong kinabahan!
Pinatayo ako ni Miss. Cristine upang tinignan ang suot ko.
"Ang ganda mo Eliyah," puri niya sa akin.
"Thank you po, Miss," kabadong sabi ko.
Naka boxing shorts ako na kulay blue pero may kaiklian habang naka sports bra na kay pagka-blue din. Nakasuot din ako ng black boxer gown na black at boxing gloves na asul.
"You can do it Eliyah," Sambit ulit ni Miss.
"Tama si Miss Cristine. You can do it Liyah, fighting!" pagpapalakas ng loob na sabi ni Sheryll.
Nabawasan ng kaunting kaba ang nararamdaman ko.
"So, sabay kayo ni Zeshua maglalakad palabas ng backstage, then may solo walk kayo na gagawin. Tandaan niyo lang ang pinractice natin kahapon," paalala ni Miss.
Tumango ako.
"Lahat po ng candidates, pumunta na sa backstage!" muling anunsiyo ni Ate Jill.
"Go Liyah!" pag-cheer sa akin ng mga kaibigan ko.
Pagkalabas ko ng room ay doon ko nakita si Arabela na naka swimsuit na red, backless ito at naka-short na puti habang hawak niya ang surfing board. Aaminin ko, ang ganda niya.
"Mas maganda ka pa rin, teh," bulong sa akin ni Bakla.
Ngumiti ako sa kanya ngunit kinakabahan pa rin ako.
Lumapit ito sa amin nang makita niya kami kasama ang kanyang mga kaibigan.
"Oh good luck, Eliyah," sarkastikong sambit ni Arabela.
"Ikaw din," simpleng sambit ko.
"By the way, you look good, but I'm better," ngumiti ito.
Naiikot ko ang dalawang mga mata ko nang gamitin niya ang linya ko. Hindi ko nalang ito pinansin at humarap sa mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...