Chapter 1

3.6K 68 17
                                    

Her POV

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Nilingon ko ang aking mga kaibigan at nagpatuloy sa paglalakad habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanila.

"Sa mall teh!" sagot ng kaibigan kong si Jorge. Dahil sa tono ng boses niya ay nailabas ang pagka-bakla nito.

"Ano naming gagawin natin doon?" tanong naman ng kaibigan kong Lairah.

"Try mo mag swimming teh, masaya 'yon," pamimilosopo nito.

"May ganoon ba doon?"

Napailing nalang ako.

"Sineryoso mo naman, Lai!" Marahang binangga ni Sheryll si Lairah. Natawa naman ako ng makita kung gaano kalaki ang agwat ng height nila.

"Edi mamamasyal, may bibilhin pati ako," pagsagot ng bakla sa katanungan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa subdivision nang makarinig kami ng tahol ng aso.

"Ay palaka!" gulat na sabi ni Sheryll.

"Aso 'yan, teh," pambabara ni Jorge.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Sheryll kaya natawa kaming dalawa ni Lairah.

"Ano palang bibilhin mo dun, bakla?" maya-maya'y tanong ko.

"Grabe maka bakla ah!"

Natawa ako sa reaksyon niya.

"School stuffs," dagdag niya.

"Eh? Ngayon ka palang bibili, pasukan na bukas ah?" sabi naman ni Lairah.

"Alam niyo naman ang sitwasyon sa bahay, busy si Mudra sa pagtatrabaho sa Manila kaya ngayon lang magpapadala. Minsan lang umuwi si Pudra kaya hindi ako nabigyan ng pera," Pilit na ngiti ang ginawad nito sa amin.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. May family problem kasi sila. Ang kwento niya sa amin, matagal nang may problema ang Mama at Papa niya kaya naghiwalay sila. Ang alam ng Mama niya, matagal ng umalis ang Papa niya sa bahay. Ang naiwan lang ay sila Jorge at ang kuya nitong si Jeremy na ngayon ay nagtatrabaho bilang manager sa isang mall pero hindi niya alam na kinukuha ng Papa ni Jorge ang kalahati ng pinapadala ng Mama niya, hindi naman nila ito magawang isumbong dahil sa awa dahil wala na ring trabaho ang Papa niya.

Humanga nga ako kay Jorge kasi kahit ganoon ang problema niya, hindi 'yon naging hadlang para maging masaya siya, in fact, siya ang nagpapasaya sa aming magka-kaibigan.

Gaya ng mga magulang ni Jorge, matagal nang iniwan ng Tatay ni Lairah sila ni Tita Viel. Pero hindi naman sila pinabayaan ng step-father niya at itinuring siyang parang tunay na anak.

Simple lang ang pamilya ni Sheryll. Walang gaanong problemang napapagdaan hindi tulad nung sa dalawa. Isang teacher ang nanay niya sa isang public school habang nurse naman ang tatay niya sa isang private hospital.

At ako, simple lang din ang pamilya ko. Kahit na may mga problemang dumarating, nalalagpasan din namin. Isa ring teacher si mommy sa isang public school gaya ng Mama ni Sheryll. Isang Electrical Engineer naman si daddy na sa ibang bansa nagta-trabaho.

"Hanga ako sayo bakla, kahit ganyan ang pinagdadaanan mo, nakukuha mo pa ding tumawa," sensirong saad ko.

"Tama ka dyan!" pagsang-ayon sa akin ni Lairah.

"Syempre, kahit na anong problema ang maranasan natin sa buhay dapat hindi natin hinahayaang manaig ang lungkot na nararamdaman natin dapat happy lang! Sabi nga nila, we shouldn't have a negative mind 'cause it wouldn't give you a happy and positive life, so think positive and be happy, and I thank you!" he confidently said.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now