Chapter 20

643 48 0
                                    

Her POV

"Ikaw si Mr. Right?"

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inakalang siya yung makakasulatan ko.

"Ako yung nakakuha nung papel mo nakapatong kasi 'yon sa upuan ko kaya binasa ko," he said.

"Pero sa upuan ni Jace ko 'yon nilagay," sabi ko.

"Nagpalitan kami ng upuan, siguro akala mo doon pa rin siya nakaupo."

Napasapo ako sa noo.

"Nahihiya ka ba?" biglang tanong niya.

"H-hindi naman," sagot ko.

Nakita ko siyang ngumiti. "Mas nakakahiya ako."

Tinignan ko siya sa mga mata. "Bakit?"

"Na-inlove ako sa sulat mo," mahinang sambit niya na nagpakalabog sa puso ko.

"Nung time na pumunta kami dito, doon ako nakaupo sa may bandang dulo. Wala akong magawa noon, bigla akong may makitang papel sa drawer ng lamesa, at sayo pa rin pala yung papel na 'yon." I heard him chuckled.

"Nung mabasa ko yung unang sulat mo sa akin, bigla kong naisip na baka ako yung lalaki na kinukwento mo. Asyumero na kung asyumero."

Natawa kaming dalawa. Napansin ko ang pagtigil niya.

"Hindi mo siguro naisip na posibleng ikaw yung babaeng sinasabi ko. Yung babaeng hindi mawala sa isip ko, yung babaeng bigla kong maaalala pag mapapatulala ako."

Napatungo ito at biglang namula ang dalawang tenga nito.

"Paano mo nalaman na may sakit ako?" I asked.

"Sinabi sa akin ni Tom, kaya binilhan agad kita ng gamot."

Nanlambot ang mga tuhod ko at para bang may humaplos sa puso ko nang sabihin niya iyon.

"Galing sayo yung ballpen?"

Tumango siya.

"Kinilig nga ako nung makita kong ginamit mo 'yon."

Umiwas siya sa akin ng tingin ngunit hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kaniyang labi.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Kakuntsaba mo rin ba si Cathrine?"

"Yes. Ang totoo, pinsan ko siya. Siya yung naisipan kong utusan tuwing may ipabibigay ako sayo," sagot niya na ikinagulat ko

Pinsan niya si Cathrine? Bakit hindi ko alam 'yon?

"Eliyah."

Natigilan ako sa pag-iisip nang tawagin niya ako. Unti-unti siyang humakbang patungo sa akin at may inabot ito sa akin maliit na papel.

'I K I L Y B I M Y'

Basa ko sa nakasulat. Ano namang ibig sabihin nito?

"I knew I loved you before I met you." I heard him.

Tinignan ko siya.

"Iyan ang meaning ng mga letra," sabi niya.

I knew I loved you before I met you?

"I know this is crazy pero nung una kitang makita, alam kong magiging malaking parte ka ng buhay ko," nakatingin sa mga mata kong saad niya.

Pero hindi naman maganda yung nangyari nung unang magkita kami, nag-away pa nga kami noon. Saglit akong napangiti nang maalala iyon.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko."

Nawalan ako ng salitang sasabihin dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko inakala na may ganitong side siya na mas nagpahulog sa akin.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now