Her POV
Mag a-ala siete na na ng magising ako. Agad akong naligo at nag-ayos para sa pagpasok. Nang matapos ay bumaba na rin ako upang mag-almusal.
"Good morning, Ma, Dy!" bati ko sa kanila.
Kakauwi lang ni daddy kagabi, medyo napaaga. Sinundo namin ito kahapon kaya siguro hindi agad ako nagising ng maaga dahil sa pagod. Sa dami ng pasalubong na dala ni daddy kahapon ay muntik na kaming mag-away ng kapatid ko dahil kung anong magustuhan ko ay kinukuha niya.
"Nalate ka ata ng gising?" Mommy asked.
"Napagod at napuyat lang po kagabi."
Oo, napuyat din ako kagabi kahihintay ng text at chat galing kay Zeshua. Simula kasi nung kahapon ay hindi na kami nagka-usap pero nung sabado ay magka-chat lang kami.
Kahit ngayon ay wala akong natanggap na text galing sa kanya. Nang matapos akong kumain ay inihatid kami ni daddy sa school. Nauna akong maihatid at kasunod naman sila mommy at Elizander.
Nang makapasok ako sa loob ng school ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil makikita ko na ulit ang bisugo ko.
Nang makarating ako sa room namin ay sinalubong naman ako ng mga kaibigan ko, nandoon rin sila Khing, Tom at Lancer ngunit wala si Zeshua.
Baka naman late?
Nagkibit balikat nalang ako bago pumasok sa loob.
"Good morning, teh!" bati ni Jorge.
"Good morning," bati ko sa kanila.
"Hindi mo kasama si Zeshua?" Khing asked.
Napakunot ang noo ko bago umiling.
"Hindi siya nag text sa akin eh," sabi ko.
"Baka late," saad naman ni Lancer.
Since wala pa namang teacher ay nagpasya kaming ipagpatuloy ang pagkukuwentuhan sa labas ng room namin.
Saktong paglabas ay sumalubong sa amin si Jarrel, agad itong napatingin kay Sheryll. Napansin ko agad ang pag-iiba ng awra ni Lancer.
"Pwede ko bang mahiram si Sheryll?" Jarrel asked.
"At bakit mo siya hihiramin?" taas kilay na tanong ni Lancer.
"Go sis!" pag-cheer pa ni Bakla.
"May sasabihin lang sana ako," sagot naman ni Jarrel.
"Si—" pinutol ni Lancer ang sasabihin ni Sheryll.
"Hindi pwede," sambit nito.
"Bakit?" naguguluhang tanong ni Jarrel.
"May karapatan akong magdesiyon para sa kanya dahil girlfriend ko siya," matigas nitong sambit.
"Boyfriend mo siya?" baling ni Jarrel kay She.
"Bakit? May problema ka?" mataray na sambit ng bakla.
"Wala," iiling-iling niyang sagot.
"Hindi porket bakla ako ay wala na akong karapatang magmahal ng babae 'no! Gender doesn't matter!" giit ni Lancer.
"Anong sinasabi ng bakla mo?" bulong ko kay Sheryll.
"Hindi ko rin alam dyan." Nagkibit balikat ito at natawa.
"May kailangan lang talaga akong sabihin kay Sheryll para sa club namin," pilit pa ni Jarrel.
"Eh bakit kailangan mo siya hiramin, pwede mo namang sabihin nang nandito kami ah?" giit ulit ni Lancer.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomantizmThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...