Chapter 3

1.2K 49 13
                                    

Her POV

Parabola is a smooth U-shaped or reversed U-shaped while axis of Symmetry is the lin

Napatigil ako sa pagre-review at napatingin sa sa kisame nang maalala ko yung lalaking 'yun.

Nakaka-inis dahil nakita ko na naman siya. Bakit kaya nandoon 'yon sa school at naka-uniform pa siya?

Malamang, doon siya nag-aaral. Pero kung ganoon, isang taon ko siyang makikita?!

Tumayo ako mula sa pagkaka-higa at lumabas ng kwarto ko. Dumaretso ako sa kusina at naghanap ng makakain, mabuti nalang at may pancit canton pa sa ref. Nag-init ako ng tubig at niluto ang canton.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at niluwa noon si Elizander, my younger brother.

"Oh, nasaan si Mommy?" nagta-takang tanong ko.

Tuwing uuwi kasi siya ay lagi niyang kasabay si Mommy dahil same school lang sila ng pinapagtrabahuhan at pinapasukan ng kapatid ko.

"May meeting pa daw sila," sagot nito at akmang tataas na nang tawagin ko ulit siya.

"Aakyat ka na agad?" I asked.

"May examination kami bukas, kailangan kong mag-review," sagot niya.

"Okay."

"Pwede mo ba akong dalhan ng canton, I'm hungry," pakiusap nito.

"Aba, ikaw ang magluto, ano ako, yaya?" pagsusungit ko.

"Please, Ate?" nag puppy eyes pa ito.

"Huwag mo kong inuuto, Elizander," sabi ko dito.

"Please, I'm really hungry and tired, please?" pagmamakaawa nito.

"Ay! Sige na nga," pagsuko ko.

"Thanks!"

Dali-dali itong umakyat.

Matapos maluto ng canton ay kumain muna ako bago ko dalhan ang kapatid ko sa kwarto niya. Nang matapos ay pumunta na ako sa kwarto niya dala ang pagkain.

"Ito na po, Señorito," bungad ko at inilapag ang pinggan sa may study table.

"Thanks."

Napatingin ako sa kanya na relax na relax na nakahiga sa kama habang naglalaro sa phone niya.

"Nagrereview ka na n'yan?" sarkastikong sabi ko.

"Nakapag-review na 'ko," simpleng sabi nito.

"Eh? Ilang minuto lang nung tumaas ka ah?" gulat kong sabi.

"I have a photographic memory, Ate," pagmamayabang niyang sagot.

"Edi, sana all."

I rolled my eyes at him.

Lumabas ako sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pagre-review. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

"Manong, para po!"

Tumigil ang jeep sa tapat ng RUF, agad naman akong bumaba at pumasok sa school.

"Good morning, secretary!" bati sa akin nung ilang estudyante.

"Good morning!" nakangiting bati ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may humigit ng braso ko.

"Hey Eliyah, long time no see," matamis na ngiti ang ginawad niya.

"Arabela," bulong ko.

"Mabuti at kilala mo pa ako," Ngumiti ito nang peke.

Lumabas sa likod niya ang tatlong mga alagad niya.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now