Chapter 6

908 46 8
                                    

Her POV

"Can one of you explain to me what happened?"

Kabado akong huminga. Nandito kami sa Office of the Principal dahil sa utos ni Ma'am Almariego.

"Bakit gumagawa kayo ng gulo sa gitna ng cafeteria?" kalmadong tanong nito.

Walang sumagot sa kanya at nanatili kaming tatlong nakatungo. Ako lang pala dahil parang chill lang ang isang lalaki habang naka-crossed arms at legs pa ang babaeng katabi niya.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang lumingon ito sa akin.

"Miss Monteverde, hindi ba't ikaw ang SC Secretary?" baling niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango.

"Can you explain to me what happened?"

"N-naglalakad po kasi ako, pabalik na po sana ako sa table namin pero hinarang po ako ni Mr. Laguerta, tapos bigla pong sumulpot si Ms. Chavez, tinanong niya po kung anong nangyari pero hindi ko po siya sinagot. Aalis na po sana ako pero hinila niya po ang braso ko at nagkasagutan po kami, tapos tinabig niya po yung tray ko kaya natapon yung pagkain sa damit ko. Nainis po ako kaya b-binato ko yung sandwich sa kanya.." nakatungong pag-kuwento ko.

"So, kay Ms. Chavez nagsimula?" she asked.

"No Ma'am, she's lying!" pagtanggi pa ni Arabela.

Napakunot ang noo nito at isa-isang tumingin sa aming tatlo.

"I will call some students na nandoon nung time na 'yon," sabi nito at tumayo sa upuan niya.

Lumabas siya ng office kaya naiwan kaming tatlo sa loob.

"Nakakainis ka!" bulong ni Arabela.

"The feeling is mutual," inis na sabi ko.

"Can you please stop arguing," pagpigil pa sa amin ng lalaking katabi niya.

"Pwede ba, huwag ka ngang sumabat sa usapan namin," taas kilay na sabi ko.

Mataray akong tinignan ni Arabela kaya inirapan ko lang ito at hindi na muli silang pinansin, kinuha ko ang towel at pinunasan ang damit ko na nabasa dahil sa tinapong juice.

Maya-maya ay muling bumukas ang pinto at niluwa noon si Ma'am Almariego.

"May naka-usap akong students na nasa cafeteria nung time na 'yon at ikinuwento niya ang buong nangyari. So Mr. Laguerta, bakit mo hinarang si Miss Monteverde?" Bumaling ito kay Zeshua.

Sinasabi ko na nga ba!

"I didn't see her, Ma'am. Bibili po sana ako kaya ako tumayo. Nakatalikod po ako sa kanya kaya hindi ko siya nakita," magalang na sagot niya.

Sinungaling!

"Ikaw naman Miss Chavez, ang sabi ng isang student ay bigla ka nalang daw sumulpot at inaway si Miss Monteverde, tinabig mo ang tray niya kaya nagka-ganyan ang uniform niya at binuhusan mo pa ng juice," baling naman nito kay Arabela.

"Sorry Ma'am," nakatungong sambit niya.

I winced.

"Hindi ka sa akin dapat mag-sorry," saad nito at tumingin sa akin.

Humarap sa akin si Arabela at bakas pa rin sa mukha nito ang inis, she rolled her eyes.

"Sorry."

Hindi ko ito pinansin dahil hindi naman siya sincere sa sinabi niya.

"At ikaw Miss Monteverde, bakit mo naman siya pinatulan, everyone knows that you're the Student Council Secretary, hindi mo dapat ginagawa 'yon sa harapan ng maraming students, baka gumaya sila sayo. Dapat mabuting asal ang ipinapakita mo sa kanila dahil isa kang modelo, you know your responsibility," seryosong sambit nito.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now